Alamin sa video na ito ang limang bagay na dapat mong malaman sa Fact Check Project ng Rappler
MANILA, Philippines – Madalas mo ba itong makita online?
Naka-enkuwentro ka na ba ng mga post na na-fact check?
Ito iyong may post na may markang “may laman itong maling impormasyon” o kaya naman ay “kulang ito sa konteksto.”
Nagtataka ka ba kung anong “k” ng Rappler para markahan ang mga post sa Facebook?
Para ma-gets, patuloy na panoorin ang video na ito ni Ailla Dela Cruz, dahil narito ang limang bagay na dapat mong malaman hinggil sa Fact Check Project ng Rappler. – Rappler.com