Fact Checks about media

HINDI TOTOO: Mayroong malaking utang ang GMA Network sa mga Marcos

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

HINDI TOTOO: Mayroong malaking utang ang GMA Network sa mga Marcos
Sa listahan ng mga stockholders na inilabas ng GMA noong Disyembre 31, 2021, walang pangalan ng kahit sinong Marcos
Buod
  • Ang sabi-sabi: 30 taon nang hindi binabayaran ng GMA Network ang mga Marcos sa kinita ng shares ng mga ito sa kanila.
  • Marka: HINDI TOTOO
  • Ang katotohanan: Walang shares o stocks ang mga Marcos sa GMA Network. Sa listahan ng mga stockholders na inilabas ng GMA noong Disyembre 31, 2021, walang pangalan ng kahit sinong Marcos.
  • Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, nakakuha na ng mahigit 140,000 views ang video na naglalaman ng sabi-sabing ito.
Mga detalye

Sa ipinaskil na tatlong minutong video ng YouTube channel na “Showbiz Snap” noong Mayo 30, sinabing ang utang na ito ng GMA ay mula sa ⅓ shares umano ng mga Marcos sa stocks ng network. Maririnig sa video na ang “source” ng sabi-sabi ay ang dating TV news anchor na si Jay Sonza at sa isang “matandang netizen.”

Walang mukha o pagkakakilanlan ang sinasabing “matandang netizen.” Maririnig lamang sa video ang isang voice recording nito. Ayon sa recording ng “matandang netizen,” 30 taon nang hindi binabayaran ng GMA Network ang mga Marcos mula sa shares ng mga ito sa network. Ayon din sa kanya, mayroong 30% shares ang mga Marcos sa GMA. 

Bago putulin ang recording, sinabi ng “matandang netizen” na siya ay isang “major stockholder” ng GMA kaya niya ito alam.

Walang katotohanan ang nilalaman ng video at ang mga sabi-sabi ng “matandang netizen.”

Na-fact-check na rin ng Rappler ang sabi-sabing pag-aari ng mga Marcos ang shares ng pamilya Duavit sa GMA.

Ang YouTube channel na “Showbiz Snap” ay katulad din ng Showbiz Fanaticz. Kapwa sila Youtube channels na nagpapaskil ng mga mali at gawa-gawang impormasyon habang nagtatago sa pangalan ng “showbiz.” (BASAHIN: Red flag for 2022: Political lies go unchecked on YouTube showbiz channels– Erick Prynze Sazon/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!