Fact checks about countries

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 pinalaking kuwento tungkol sa Pilipinas

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 pinalaking kuwento tungkol sa Pilipinas
Pinakamapayapang bansa nga ba ang Pilipinas? Mas mataas ba ang IQ ng isang estudyanteng Pinay kaysa kay Einstein? Suriin natin!

Ang Pilipinas daw ang pinakamayamang bansa sa mundo? May estudyanteng Pinay daw na mas mataas ang IQ kaysa kay Einstein! At isa tayo sa mga pinakamapayapang bansa…

Sandali lang, besh, totoo kaya ’to? Parang grabe naman ang ipinagmamalaki ng mga social media post na ito!

Ano ’yung totoo? I-fact check natin! Ito ay limang fact check tungkol sa mga kuwentong kutsero na labis o pinalaki ang mga detalye.

Una, sinabi raw ng dating pangulo ng Amerika na si George W. Bush na ang Pilipinas ang pinakamayamang bansa sa buong mundo! Sinabi niya raw ito noong Setyembre 11, 2001, nang bumagsak ang World Trade Center. Sinabi niya raw ito kaugnay ng sinasabing kayamanang ginto ng pamilyang Marcos. Weh? ’Yung totoo?

Pangalawa, may estudyanteng Pinay daw na mas mataas ang IQ kaysa kay Einstein. Wow! Pero, teka lang, ha? Kulang ng konteksto ang istoryang ito.

Ikatlo, si dating pangulong Ferdinand Marcos daw ang “best president of all time,” ayon sa Guinness World Records. ’Yung totoo?

Ikaapat, pinakamalaking lungsod daw sa mundo ang Davao City. Totoo ba?

At, panlima, ang Pilipinas daw ay isa sa pinakamapayapang bansa sa buong mundo. Talaga ba? Ano ’yung totoo?

Ayan, besh, 5 kuwentong sinobrahan o pinalaki ang mga detalye hanggang sa hindi na naging totoo ang sinasabi.

Sa susunod, bago mag-like o share ng post, suriin nang mabuti at mag-fact-check!

At kung may nakita kang kaduda-dudang impormasyon sa social media, magpadala ng link at screenshot nito sa factcheck@rappler.com! – Rappler.com