COVID-19 Fact Checks

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 pekeng istorya tungkol sa bakuna laban sa COVID-19

Rappler
Kung dati, mga pekeng lunas ang sabi-sabi tungkol sa COVID-19, ngayon, puro kuwentong kutsero naman tungkol sa bakuna ang kumakalat. Ano-ano ang mga ito? I-fact-check natin!

Laging nasa balita ang COVID-19 at lagi ring may kumakalat na kasinungalingan tungkol dito. Dati, tungkol sa mga pekeng lunas ang sabi-sabi. Ngayon, puro kuwentong kutsero naman tungkol sa bakuna.

Masama bang magpabakuna laban sa COVID-19? Kailangan ba talaga natin ito? Puwede ka bang mamatay dito? Ano ’yung totoo?

I-fact check natin ang 5 pekeng istorya tungkol sa bakuna laban sa COVID-19.

Una, tapos na raw ang pandemya, at ‘di na kailangan ng bakuna para sa COVID-19. ’Yung totoo?

Pangalawa, may namatay daw na nars sa US pagkatapos niyang maturukan ng COVID-19 vaccine, ayon sa isang video na kumalat sa social media. Talaga ba? ’Yung totoo?

Pangatlo, may 10 raw na namatay sa Germany dahil sa bakuna ng Pfizer laban sa COVID-19. Nakakatakot naman! Totoo ba?

Pang-apat, kinain daw ng mga nabakunahang pasyente ang isa’t isa, at naka-lockdown ang mga ospital dahil dito, base sa litrato ng kuwarto sa ospital na nagkalat ang dugo. ’Di nga? ’Yung totoo?

At, panlima, itinuturing na “barcodes for life” daw ang bakuna laban sa COVID-19 dahil gagamitin ito para kilalanin at bantayan lahat ng tao. Mag-iiba rin daw ang katawan mo kapag nabakunahan ka. ’Yung totoo?

May nakita ka bang kaduda-dudang post tungkol sa bakuna? Magpadala ng link at screenshot nito sa factcheck@rappler.com! – Rappler.com