Fact Checks about media

HINDI TOTOO: Hindi ibinalita ng media ang pagtulong ni Marcos sa mga naapektuhan ng Bulusan eruption

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

HINDI TOTOO: Hindi ibinalita ng media ang pagtulong ni Marcos sa mga naapektuhan ng Bulusan eruption
Mayroong mga ulat ang media tungkol sa pagdagsa ng tulong para sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan, kasama ang ayudang ipinadala ni Marcos
Buod
  • Ang sabi-sabi: Hindi ibinalita ng mainstream media ang pagpapahatid ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. ng tulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon. 
  • Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng ABS-CBN sa sabi-sabing ito.
  • Ang katotohanan: Ibinalita ng mainstream media ang ginawang pagtulong ni Marcos sa mga residenteng naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan.
  • Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, umabot sa mahigit 1,573 na views ang post na naglalaman ng sabi-sabing ito sa YouTube.
Mga detalye

Sa isang post noong Hunyo 9, sinabi ng YouTube channel na FOODIE NETH na naunang nagpadala ng tulong si president-elect Ferdinand Marcos Jr. sa Bulusan, ngunit hindi ito ibinalita ng mainstream media.

Hindi ito totoo.

Ayon sa naunang fact check ng ABS-CBN, mayroong mga ulat ang media tungkol sa pagdagsa ng tulong para sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan, kasama ang ayudang ipinadala ni Marcos.

Isa ang Inquirer.net sa mga sumulat ng balita tungkol sa pagtulong ni Marcos. Nagpadala ang president-elect ng water truck na kayang magbigay ng 4,000 litro ng tubig at food packs na nagkakahalaga ng P100,000 para sa mga residente ng Barangay Puting Sapa sa bayan ng Juban na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan. – Lorenz Pasion/Rappler.com kasama ang ABS-CBN

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!