Fact check - gov't services/laws

FACT CHECK: Hindi unang beses nagkaroon ng Vin d’Honneur sa Malacañang

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

FACT CHECK: Hindi unang beses nagkaroon ng Vin d’Honneur sa Malacañang
Nagsimula sa administrasyon ni dating pangulong Corazon Aquino ang pagdaraos ng Vin d’Honneur sa Malacañang kung saan dumadalo ang mga kinatawan ng iba’t ibang bansa sa Pilipinas

Ang sabi-sabi: Ngayon lang nangyari ang pagtitipon-tipon ng mga ambassador ng iba’t ibang mga bansa sa Malacanang. 

Nakalagay ang tekstong “NAKAKAGULAT NGAYON LANG NANGYARI ITO” sa thumbnail ng video na pinamagatang “GRABE! SANIB PWERSA NA PBBM WITH THE AMBASSADORS OF DIFFERENT COUNTRIES PARA SA EKONOMIYA NG BANSA.”

Sa kabuuan ng video ay tanging clip ng livestream ng ginanap na Vin d’Honneur sa Malacañang ang ipinakita. 

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 52,029 na views sa kasalukuyan. 

Ang katotohanan: Taunang ginaganap ang Vin d’Honneur, at dalawang beses sa isang taon pa ito kung ganapin: tuwing Enero, pagkatapos ng Bagong Taon, at tuwing Hunyo 12, Araw ng Kalayaan. 

Ang Vin d’Honneur ay itinuturing na pandiplomatikong pagdiriwang, kung saan dinadaluhan ito ng iba’t ibang mga kinatawan ng mga bansa sa Pilipinas. 

Pagtitipon ito na ginaganap sa Malacañang. Nagsimula ito sa panahon pa ni dating pangulong Manuel L. Quezon, kung saan bukas pa ito sa lahat. Hindi pa ito noon Vin d’Honneur kung tawagin, kundi itinuring lamang na New Year’s Reception.

Nang manungkulan si dating pangulong Corazon Aquino saka sinimulang tawagin itong Vin d’Honneur. – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!