Election fact checks

HINDI TOTOO: Bilang ng mga bumoto kay Marcos Jr. sa Saudi Arabia

Lorenz Pasion, Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

HINDI TOTOO: Bilang ng mga bumoto kay Marcos Jr. sa Saudi Arabia
Ayon sa pinakahuling datos ng Comelec, 282,605 lamang ang kabuuang bilang ng rehistradong botante sa Saudi Arabia, habang 786,997 lamang ang rehistradong botante sa buong gitnang silangang Asya
Buod
  • Ang sabi-sabi: Isang milyong overseas absentee voters ang bumoto kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Saudi Arabia.  
  • Marka: HINDI TOTOO
  • Ang katotohanan: Ayon sa pinakahuling datos ng Commission on Elections (Comelec), 282,605 lamang ang kabuuang bilang ng mga rehistradong Pilipinong botante sa Saudi Arabia.
  • Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 7,800 reaksiyon, 957 na komento, at 162,725 na views ang video na nagpapakalat ng sabi-sabing ito sa YouTube.
Mga detalye

Isang video na in-upload noong Abril 14 sa YouTube channel na “Showbiz Chika-Doro” ang nagsasabi na isang milyon daw ang Pilipinong bumoto sa presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Saudi Arabia.

Nakalagay sa caption ng video: “BBM milyon na ang nakuhang boto sa Kingdom of Saudi Arabia ayon kay Madam Yumi/VP Leni kulelat?”

Sa 3:15 timestamp ng video, sinabi ng babae, na tinatawag sa video bilang Madam Yumi, “Ang boto ni Marcos milyon, pero kay Leni Robredo, wala pang isang daang libo.”

Sinabi ito ni “Madam Yumi” pagkatapos niyang ihambing si Marcos sa iba pang mga kandidato na tumatakbo sa pagkapangulo. Aniya, ang tingin daw ng nakararami ay malaki ang tsansa ni Marcos na manalo.

Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 7,800 reaksiyon, 957 na komento, at 162,725 na views ang video sa YouTube.

Hindi ito totoo.

Imposibleng makakuha ng 1 milyong boto mula sa mga Pilipino sa Saudi Arabia si Marcos o sinomang kandidato, dahil ayon sa pinakahuling datos ng Comelec, 282,605 lamang ang rehistradong overseas absentee voters sa nasabing bansa ngayong 2022.

Maging ang kabuuang bilang ng lahat ng botante sa gitnang silangang Asya, kung nasaan ang Saudi Arabia, ay 786,997 lamang.

Wala sinabi si Madam Yumi kung saan niya kinuha ang datos na 1 milyon ang bumoto kay Marcos sa Saudi.

Nagsimula ang pagboto ng mga overseas Pilipinos noong Abril 10, isang buwan bago ang eleksiyon sa Mayo 9.

Tanging presidente, bise presidente, mga senador, at mga party-list groups ang maaaring iboto ng mga Pilipino na nasa ibang bansa. 

Simula 2004, daang libo na boto ang nagmumula sa overseas absentee voters. Dahil sa COVID-19, marami sa kanila ang hindi nakapagparehistro para sa eleksiyon sa 2022 o kaya ay nagsiuwi sa Pilipinas. – Lorenz Pasion/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Lorenz Pasion

author

Lorenz Pasion

Lorenz Pasion is a researcher at Rappler and a member of its fact-check team that debunks false claims that spread on social media.