Fact check - gov't services/laws

HINDI TOTOO: Peke ang retrato ng maruming Manila Bay dolomite beach

Rappler.com
HINDI TOTOO: Peke ang retrato ng maruming Manila Bay dolomite beach
Iba’t ibang source ng retrato at video ang makakapagpatunay na totoo ang larawan ng marumi at kulay-lumot na tubig sa Manila Baywalk dolomite beach.
Buod
  • Ang sabi-sabi: Hindi totoo ang retrato ng maruming Manila Baywalk dolomite beach, at gawa-gawa lang ito ng mga indibiduwal na may galit sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
  • Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang naibigay ng Interaksyon para sa fact check na ito. 
  • Ang katotohanan: Iba’t ibang source ng retrato at video ang makakapagpatunay na totoo ang larawan ng marumi at kulay-lumot na tubig sa Manila Baywalk dolomite beach. 
  • Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, 5,600 na ang nagbigay ng reaksiyon, 863 ang nag-iwan ng komento, at 201 na ang nagbahagi ng naturang kasinungalingan sa Facebook.  
Mga detalye 

Iginigiit ng isang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na peke ang ilang retratong nagpapakita ng maruming Manila Baywalk dolomite beach. 

“Pag tayo ang kumuha ng picture ng Manila Bay, maganda, maaliwalas, malinis,” ayon sa awtor ng naturang paskil. “Pero bakit pag kumuha ng picture yung mga punung-puno ng galit sa gobyerno at kapwa Filipino (na hindi raw totoong tao), lahat na lang bumabaho, pumapangit, dumidilim. Pati yung mga puno na dapat sana ay berde naging black?” 

Hindi totoong peke ang retrato ng maruming dolomite beach. 

Iba’t ibang source ng retrato at video ang makakapagpatunay na totoo ang larawan ng maruming tubig sa lugar. Noong 2022, makikita ang isang aerial footage ng kulay-lumot na Manila Bay dolomite beach. Mayroon ding isa pang video na nagpapakita ng parehong hitsura ng Manila Bay noong 2021.

Samantala, noong 2019, binanggit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maaaring kontaminado ang tubig sa Manila Bay, kung kaya’t maitim ang kulay ng lupa na nahukay nila mula rito. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com kasama si Cristina Chi/Interaksyon

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.