Election fact checks

SATIRE: Aksidenteng naiboto ni Robredo si Marcos Jr.

Lorenz Pasion

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

SATIRE: Aksidenteng naiboto ni Robredo si Marcos Jr.
Isang satire page ang nag-post nitong sabi-sabi. Ang "Philippine Dairy Inquirer" ay isang satire page na ginagaya ang pahayagang Philippine Daily Inquirer.
Buod
  • Ang sabi-sabi: Aksidenteng naiboto ni Bise Presidente Leni Robredo si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil inakala niya na ang na-shade niyang bilog ay sa tabi ng kaniyang pangalan.
  • Marka: SATIRE
  • Ang katotohanan: Isang satire page ang nag-post nitong sabi-sabi. Ang “Philippine Dairy Inquirer” ay isang satire page na ginagaya ang pahayagang Philippine Daily Inquirer.
  • Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 61,000 reaksiyon, 7,200 komento, at 39,000 shares ang post sa Facebook. Makikita sa mga komento na may nag-aakalang totoo ito.
Mga detalye

Isang larawang ipinost ng Facebook page “Philippine Dairy Inquirer” noong Mayo 9 ang nagpapakita umanong nagkamali si Bise Presidente Leni Robredo at aksidenteng naiboto ang karibal niyang si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkapangulo.

Nakalagay ang tekstong “Leni Robredo accidentally votes for Marcos Jr. (Leni Robredo aksidenteng ibinoto si Marcos Jr.)” sa ibaba ng larawan ni Robredo na bumoboto.

Sabi pa ng post, inakala ni Robredo na ang kaniyang na-shade na bilog ay ang nasa tabi ng kaniyang pangalan.

Magkatapat ang pangalan nina Marcos at Robredo sa balota.

Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 61,000 reaksiyon, 7,200 komento, at 39,000 shares ang post sa Facebook.

Satire ang nasabing post na nagsasabing aksidenteng naiboto ni Robredo si Marcos Jr.

Ang Facebook page na “Philippine Dairy Inquirer” ay isang satire page na ginagaya ang pahayagang Philippine Daily Inquirer. Wala sa opisyal na Facebook page at website ng Philippine Daily Inquirer ang ganitong balita.

Nilagyan din ng markang “satire page” ng Facebook ang nasabing page bilang paalala sa mga Facebook users na katuwaan lamang ang mga inilalabas na post nito.

Sa kabila ng markang “satire page” na itinatak ng Facebook sa “Philippine Dairy Inquirer” ay marami pa ring naniniwala sa mga ipinopost nito.

Ang anak ng diktador na Marcos ay nanguna sa 2022 elections. Ayon sa partial at unofficial count ng Comelec mula sa report ng 98.30% ng mga presinto nitong Miyerkoles, Mayo 11, nakakuha si Marcos Jr. ng 31,087,556 na boto habang 14,813,996 lamang ang nakuha ni Robredo.  – Lorenz Pasion/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Avatar photo

author

Lorenz Pasion

Lorenz Pasion is a researcher at Rappler and a member of its fact-check team that debunks false claims that spread on social media.