Robredo fact checks

HINDI TOTOO: Hindi maalala ni Robredo ang kaniyang paboritong libro

Rappler.com
HINDI TOTOO: Hindi maalala ni Robredo ang kaniyang paboritong libro
Sinagot ni Robredo na ang kaniyang paboritong libro ay ang 'To Kill a Mockingbird' ni Harper Lee
Buod
  • Ang sabi-sabi: Hindi maalala ni Bise Presidente Leni Robredo ang kaniyang paboritong libro.
  • Marka: HINDI TOTOO
  • Ang katotohanan: Nang tanungin siya ng Rappler kung ano ang paborito niyang libro, sumagot si Robredo ng To Kill a Mockingbird ni Harper Lee.
  • Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 200 shares, 467 komento, at 12,000 views ang Facebook post na nagpapalabas na hindi nabanggit ni Robredo ang pamagat ng libro, kahit na ang kaparehong Rappler video ang ginamit na “pruweba.”
Mga detalye

Nagpost ang Facebook page na “Silent Majority” ng pinutol na Rappler video kung saan tinanong si Bise Presidente Leni Robredo kung ano ang kaniyang paboritong libro.

Panunuya ng caption ng post: “Idescribe na lang kasi d na maalala.”

Hindi totoong nakalimutan ni Robredo ang titulo ng paborito niyang libro.

Sinagot ni Robredo sa bidyo na ang kaniyang paboritong libro ay ang To Kill a Mockingbird ni Harper Lee. 

Mapapanood ang kaniyang sagot sa bidyo ng Rappler sa timestamp na 4:23. Ayon kay Robredo, una niyang nabasa ang librong ito noong siya ay nasa first year high school. Dahil sa libro, tumindi ang kaniyang kagustuhang maging public service lawyer.

Bago pumasok sa politika si Robredo, naging abogado siya sa Public Attorney’s Office noong 1999. Nagsilbi rin siyang branch coordinator ng 13 na taon sa Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal (SALIGAN) – Bicol Chapter. – Renzo Arceta/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.