Fact checks on public officials

HINDI TOTOO: Si Sara Duterte ang kauna-unahang bise presidente mula sa Mindanao

Rappler.com
HINDI TOTOO: Si Sara Duterte ang kauna-unahang bise presidente mula sa Mindanao
Pangatlo nang bise presidente mula sa Mindanao si Sara Duterte
Buod
  • Ang sabi-sabi: Si vice president-elect Sara Duterte ang magiging kauna-unahang bise presidente mula sa Mindanao.
  • Marka: HINDI TOTOO
  • Ang katotohanan: Pangatlo nang bise presidente mula sa Mindanao si Sara Duterte. Ang una ay si Emmanuel Pelaez mula sa Medina, Misamis Oriental, at pangalawa si Teofisto Guingona Jr., na lumaki sa hilagang Mindanao.
  • Bakit kailangang i-fact-check: Ang sabi-sabi ay ikinakalat ng iba’t-ibang Facebook users.
Mga detalye

Pagkatapos ng inauguration ni Sara Duterte noong Hunyo 19, nagsimulang kumalat sa Facebook ang sabi-sabi na siya ang kauna-unahang bise presidente mula sa Mindanao .

Hindi si Duterte ang unang bise presidente mula sa Mindanao.

Base sa fact check ng Baguio Chronicle, si Duterte ang pangatlong bise presidente mula sa Mindanao. 

Ang unang bise presidente na taga-Mindanao ay si Emmanuel Pelaez, na mula sa Medina, Misamis Oriental. Si Pelaez ay nagsilbing bise presidente mula 1961 hanggang 1965 sa ilalim ng administrasyon ni Diosdado Macapagal.

Si Pelaez ang katunggali ni dating Pangulong Ferdinand Marcos para sa nominasyon ng Nacionalista Party sa eleksiyon noong 1965. Pinili ng partido si Marcos bilang kanilang kandidato para sa pagkapangulo. 

Ang mambabatas na si Teofisto Guingona Jr. naman ang ikalawang bise presidente ng bansa na nagmula sa Mindanao. Si Guingona ay ipinanganak sa San Juan, Rizal, ngunit ayon sa Philstar at MindaNews ay lumaki sa hilagang Mindanao.

Si Guingona ay itinalagang bise presidente ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo pagkatapos ng ikalawang People Power Revolution noong Enero 2001. – Lorenz Pasion/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.