Ano’ng haharapin ng ASEAN pagkatapos ng 2017 Summit?

Aika Rey

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Ano’ng haharapin ng ASEAN pagkatapos ng 2017 Summit?
Bilang gabay at sukatan ng pagharap sa mga isyu, mahalagang balikan ang simulain, layunin, at ang mga isyung kinakaharap ASEAN at mga kaugnay na bansa

MAYNILA, Pilipinas – Pagkatapos ng ilang araw ng protesta ng mga aktibista, kabikabilang pagtitipon ng mga lider, at pirmahan ng mga kasunduan – pati na ang ilang araw na sikip o kalituhan sa trapik at pagsasara ng mga opisina at eskuwelahan sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya – haharap na sa tunay na trabaho ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). 

Mahalagang balikan ang simulain, layunin, at ang mga isyung kinakaharap ng mga miyembro at kaugnay na bansa ng ASEAN. Ang mga ito ang magiging gabay at sukatan kung paano haharapin ng mga bansa ang mga isyu ng rehiyon pagkatapos ng 31st ASEAN Summit and Related Summits sa Pilipinas. (BASAHIN: Why you should care about ASEAN integration)

Ano ang ASEAN Summit?

Kabilang sa ASEAN ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam. (QUIZ: How well do you know the ASEAN member countries?)

Ayon sa charter nito, nagpupulong dalawang beses kada taon sa isang “summit” ang mga miyembro ng ASEAN upang pag-usapan at gawan ng mga patakaran at desisyon ang mga isyu ng rehiyon. (BASAHIN: LOOK BACK: How ASEAN was formed)

Ika-31 summit na ng ASEAN ang ginanap sa Manila nitong Nobyembre 12-14. Unang irinaos ang ASEAN Summit sa Bali, Indonesia, noong 1976. Nagsimula lamang ang dalawang beses na summit kada taon matapos ang 11th ASEAN Summit noong 2005, nang maipasa ang ASEAN charter. (BASAHIN: Who were ASEAN’s 5 founding fathers?)

GALA DINNER. President Rodrigo Roa Duterte gives the thumbs up while witnessing the program proper during the dinner he hosted for the leaders of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) member states and dialogue partners at the SMX Convention Center in Pasay City on November 12, 2017. KARL NORMAN ALONZO/PRESIDENTIAL PHOTO

Idinaraos ang summit sa bansang tagapangulo ng ASEAN – ang Pilipinas ito ngayong 2017. Iilipat ang chairmanship sa Singapore 2018

Tuwing ASEAN Summit din itinatalaga ang secretary-general ng ASEAN. Sa kasalukuyan, ang posisyon ay hawak ni Le Luong Minh ng Vietnam. Matatapos ang kanyang termino ngayong 2017.

Maliban sa mga miyembrong bansa, dumadalo rin sa summit ang dialogue partners, katulad ng United States, Canada, Australia, New Zealand, China, Japan, at European Union. (LIST: World leaders attending ASEAN 2017 in the Philippines)

Ang 31st ASEAN Summit and Related Summits sa Manila ay dinaluhan ng 11 lider, kabilang sina US President Donald Trump, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, United Nations Secretary-General Antonio Guterres, at European Council President Donald Tusk.

Mga isyu ng rehiyon

Sa 31st ASEAN Summit and Related Summits, pinag-usapan – o sinubukang pag-usapan – ng mga lider at ministro ang mga sumusunod na isyu:

  • Ekonomya at kalakalan
  • Negosyo at pamumuhunan ng pribadong sektor
  • Terorismo, extremism, at pamimirata
  • Transnational crime
  • Sigalot sa South China Sea (West Philippine Sea)
  • Mga missile ng North Korea
  • Sustainable development, climate change, disasters
  • Krisis ng mga Rohingya, paglabag sa karapatang pantao

(BASAHIN: In a nutshell: Issues up for discussion at 31st ASEAN Summit

May mga usapin na, ayon sa mga aktibista, ay dapat na kaagad resolbahin ng ASEAN leaders at dialogue partners. May mga panawagan sila na talakayin ang paglabag ng karapatang pantao sa mga miyembrong bansa, ang patuloy na batas militar sa Thailand, ang krisis sa mga Rohingya sa Myanmar. (BASAHIN: The Deafening Silence of ASEAN on Human Rights Violations)

Sa pagdalo ng Presidente ng Estados Unidos na si Donald Trump, nanawagan din ang mga grupong makakalikasan na i-ban ang pangulo bilang nag-iisang bansang hindi magsasabatas ng Paris Agreeement para sa pagbabawas ng carbon emissions. (TINGNAN: Activists to burn Trump effigy on day one of ASEAN Summit

Sa mga lider na dumalo, si Trudeau lamang ng Canada ang nagpahayag kay President Rodrigo Duterte ng pagkabahala ng kanyang bansa tungkol sa extrajudicial killings sa Pilipinas. Libo-libong mahihirap na suspek sa droga ang namatay na sa kamay ng mga bayarang killer at sa mga police operation. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Sleeve, Clothing, Apparel

author

Aika Rey

Aika Rey is a business reporter for Rappler. She covered the Senate of the Philippines before fully diving into numbers and companies. Got tips? Find her on Twitter at @reyaika or shoot her an email at aika.rey@rappler.com.