COVID-19

Ano ang Lambda COVID-19 variant?

Michelle Abad
Ano ang Lambda COVID-19 variant?

QUEUE. Suspected COVID-19 patients on wheelchair queue for a vacant bed at the reception area of the Amang Rodriguez Memorial Medical Center in Marikina City on August 13, 2021.

Rappler

Ayon sa isang maagang pag-aaral, mas nakahahawa ang spike protein ng Lambda kumpara sa mga spike protein ng mga ibang variants of concern

Natuklasan ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng Lambda variant ng COVID-19 sa Pilipinas noong Linggo, Agosto 15.

Lokal na kaso ito – ibig sabihin, nakuha ng pasyente ang sakit sa Filipinas, at hindi sa ibang bansa. 

Normal na mag-mutate ang mga virus dahil iniaangkop ng mga ito ang sarili sa bagong katawan o host na nililipatan.

Ano ang Lambda COVID-19 variant?

Ngunit ano ba ang Lambda? Dapat ba itong katakutan? Hindi ba mayroon nang mas nakahahawang Delta variant at iba pang mga variants of concern?

Maaaring masyado pang maaga upang sabihing ang Lambda ang susunod na magdudulot ng malubhang pinsala ngayong pandemya. Limitado pa ang impormasyon tungkol sa variant na ito.

Gayumpaman, narito ang ilang bagay na dapat alamin tungkol sa Lambda, base sa mga naunang pag-aaral at opinyon ng mga eksperto:

Ano’ng meron sa Lambda variant?

Matatagpuan ang mutation ng Lambda variant sa spike protein ng coronavirus, ayon kay Rachel Graham, isang epidemiology professor sa University of North Carolina.

Ang spike protein ay bahagi ng virus na kumakapit sa bago nitong host, at nagpapakalat ng virus sa katawan.

Natuklasan sa Peru ang variant na ito noong Disyembre 2020, at kumakalat ngayon sa Timog Amerika. Ibinilang itong variant of interest ng World Health Organization (WHO) noong Hunyo 14, 2021.

Mas nakahahawa ba ito?

Sa ulat noong Hunyo, sinabi ng WHO na ang Lambda ay maiuugnay sa malawakang paghahawahan sa mga komunidad sa ilang bansa, at kasabay nito ang mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa isang maagang pag-aaral o preprint study sa Chile noong Hulyo 2021, tumaas ang kapasidad na makahawa ng L45Q2 mutation sa Lambda variant. (Ang preprint na pag-aaral ay hindi pa dumaraan sa pagsusuri ng mga kapuwa-propesyonal sa katulad na disiplina.)

Naobserbahan ng mga mananaliksik sa Chile na mas nakahahawa pa ang spike protein ng Lambda kumpara sa spike protein ng mga variant na Alpha at Gamma – mga variants of concern na kilala nang talagang nakahahawa.

Ayon sa isa pang preprint study sa Estados Unidos, doble ang itinaas ng kapasidad ng Lambda na makahawa – katulad ng pagtaas sa Delta at Delta plus variant.

Kahit ito lumalabas sa maagang pag-aaral, sinabi pa rin ng WHO na kinakailangan pa ng mas maraming ebidensiya upang kilalanin na mas nakahahawa ang Lambda variant.

Must Read

What do the latest studies say on the Delta and Lambda COVID-19 variants?

What do the latest studies say on the Delta and Lambda COVID-19 variants?
Epektibo pa ba ang mga bakuna laban sa Lambda?

Maaaring makaiwas ang Lambda sa antibodies na dala ng bakunang CoronaVac, ayon sa pag-aaral sa Chile.

Ang CoronaVac ang bakunang gawa ng Sinovac, ang pinakamalaking suplay ng bakuna sa Filipinas.

Kailangan ba natin ng booster shot?

Ayon sa pag-aaral sa United States, dapat nang ikonsidera ng mga gumagawa ng bakuna at mga awtoridad na bigyan ng booster shots ang mga mamamayan upang mas maprotektahan sila laban sa Lambda at iba pang variants of concern,

Ang booster ay karagdagang dosis ng bakuna pagkatapos ng kumpletong dosis nito.

Ayon sa mga mananaliksik sa Rockefeller University, maaaring makadadagdag ng antibodies ang pangatlong dosis ng Pfizer-BioNTech o Moderna para sa bakunadong tao na hindi pa nagkaroon ng COVID-19. Gayumpaman, ang antibodies na ito ay hindi nangangahulugang mas mabisa laban sa mga bagong variant.

Hindi pa inirerekomenda ng DOH ang booster shot sa Filipinas dahil sa kakulangan ng datos, at dahil dapat unahin ang maraming Filipinong hindi pa nababakunahan. – Rappler.com

Ang ulat na ito ay base sa orihinal na Ingles.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Michelle Abad

Michelle Abad is a researcher-writer with the investigative unit of Rappler. She also covers overseas Filipinos and the rights of women and children.