Ano ang Rome Statute ng International Criminal Court?

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Huwebes, Marso 14, na binabawi na ng Pilipinas ang ratification o pagpapatibay nito ng Rome Statute ng International Criminal Court.

Ano itong Rome Statute?

Ang Rome Statute ang kasunduan na bumuo sa International Criminal Court (ICC) noong Hulyo 17, 1998. Pinagtibay ng Pilipinas ang Rome Statute noong 2011.

Dinidinig ng ICC ang mga kaso gaya ng genocide, crimes against humanity, war crimes, at crimes of aggression.

Noong Pebrero 8, inanunsyo ng ICC na binuksan na nito ang preliminary examination tungkol sa extrajudicial killings kaugnay ng giyera kontra-droga ni Duterte. 

Maaaring mabasa rito ang Rome Statute ng International Criminal Court

Narito naman ang Rappler video explainer tungkol sa ICC:

May explainers din ang Rappler tungkol sa kapangyarihan ng ICC na imbestigahan ang mga kaso ng pagpatay kaugnay ng drug war: 

Paterno Esmaquel II/Rappler.com