![[PODCAST] Para saan ba ang P300M intel funds ng DICT?](https://www.rappler.com/tachyon/r3-assets/612F469A6EA84F6BAE882D2B94A4B421/img/24EB594FF2914207B9970AE85005FE08/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic.jpg)
Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify.
MANILA, Philippines – Nalagay sa spotlight ang Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong nakaraang linggo makalipas na magpakita ng intensyong magbitiw sa puwesto si Undersecretary Eliseo Rio Jr.
Umiikot ang kontrobersiya sa P300 milyong pondong napunta sa confidential funds ng DICT na pinangungunahan ni dating senador at ngayo’y Secretary Gregorio Honasan. Ang pondo ay diumano’y gagamitin sa surveillance at intelligence-gathering laban sa cybersecurity threats.
Ayon kay business reporter Ralf Rivas, nakagugulat kung gaano kabilis tumakbo ang isyung ito at ang mga sunod-sunod na pangyayari:
Ang heavy ng statements ni Usec Rio and ang dami niyang interviews, tapos suddenly, hindi na nagte-text. Kinabukasan, may joint statement na [sila ni Honasan]. I don’t think na doon titigil ang issue…This expose na biglang sobrang anti-climatic is just an indication na [DICT] is a very important agency that we all need to monitor.
May nagsasabi ring factor ang military background nina Honasan at Rio sa maagang pagtatapos ng isyung ito. Ayon kay defense reporter JC Gotinga:
May mga nagsasabi na pareho silang military men. Our military men and women are big on loyalty. Pero kung tutuusin mo, sa ganitong sitwasyon, hindi na sila nasa chain of command…wala na silang chain of command.
May ganoong view from some people, that the members of the military, whether active or retired, will always have each other’s backs, nasa backbone kasi ng military establishment natin iyan.
Si President Rodrigo Duterte, karamihan ng nasa Cabinet niya retired military, and sabi niya, because of the military culture that they carry with them, even after they retired from the service, we can only say that much. Whether we can conclude, that their military background has something to do with [the DICT issue], we will see.
Sa podcast na ito, pag-uusapan nina Gotinga, Rivas, at researcher-writer Jodesz Gavilan kung pasok ba talaga sa responsibilidad ng DICT ang surveillance, kung paano napunta ang milyones sa confidential funds, at ano ang susunod na posibleng mangyari ngayon. Ano ang dapat nating abangan? Pakinggan sa podcast na ito.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- Dapat nga bang ibasura na ang Visiting Forces Agreement?
- Handa ba ang Pilipinas na harapin ang novel coronavirus?
- Taal Volcano 2020 eruption: Ano ang worst-case scenario?
- Tensiyon sa pagitan ng U.S. at Iran: Ano ang epekto sa Pilipinas at buong mundo?
- Lumiliit na ang mundo ng mga nagpakulong kay De Lima
- Ano ang solusyon sa mabagal na PH justice system?
- Ang mga isyung hinarap ni Duterte sa 2019
- May conflict of interest ba si Alan Cayetano sa SEA Games 2019?
- New Clark City: May anomalya ba?
- Paano naiipit si Robredo sa drug war ni Duterte
- Bakit malaking banta sa demokrasya ang crackdown sa progressive groups
- Bakit di dapat balewalain ang harassment ng China malapit sa Panatag Shoal?
- Paano nilalabanan ang ‘fake news’?
- Ano ang latest sa protesta ni Marcos laban kay Robredo?
- Bakit kailangang magpabakuna?
- Ninja cops: Ang isyung nagpabagsak sa hepe ng PNP
- Dapat bang gawing ilegal ang pagiging komunista?
- Inciting to sedition sa ilalim ni Duterte
- May silbi ba ang diplomatic protest laban sa China?
- Ang batas na puwedeng magpalaya sa rapist-murderer na si Antonio Sanchez
- Makakalusot ba si Ronald Cardema ng Duterte Youth sa Kongreso?
- Impunity in the West Philippine Sea
- Sino si Bikoy at dapat ba siyang paniwalaan?
- Bakit mahalagang mailabas ang TokHang documents?
- Ang doble-plaka law bilang panakip butas sa mga patayan
- Ang alas ni Eduardo Acierto laban kay Michael Yang
- Ano ang dapat mong malaman tungkol sa Metro Manila water crisis?
- Ang pagkalas ni Duterte at Pilipinas sa Int’l Criminal Court
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.