![[PODCAST] Mga problemang pasan ng mga estudyante sa panahon ng pandemya](https://www.rappler.com/tachyon/r3-assets/612F469A6EA84F6BAE882D2B94A4B421/img/07D2975E44FD49D484014241FAF52A17/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic-1.jpg)
Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify
MANILA, Philippines – Isang malaking isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang mga problemang umusbong tungkol sa edukasyon.
Iba’t iba ang paraan ng mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno sa pagsagot sa sitwasyon. May mga eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online, at may iba namang tinapos ang school year.
Sa paparating na pasukan ngayong Agosto, ang mga estudyante at magulang ay naghahanda sa mga posibleng maging problemang papasanin nila habang hindi pa natatapos ang coronavirus pandemic.
Sa podcast na ito, pag-uusapan nina Rappler education reporter Bonz Magsambol at researcher-writer Jodesz Gavilan ang mga lumabas na problema nitong mga nakaraang buwan pagdating sa edukasyon at kung ano ang mga hakbang na gagawin ng Department of Education at Commission on Higher Education.
Ang desisyon ng DepEd ukol sa guidelines sa paparating na pasukan ay base sa isang survey. Ngunit ayon kay Magsambol:
Ang concern ko sa survey na ito, sino ba ang makaka-access ng surveys na ito na ginawa nila online? Iyong mga may internet access din. Paano natin mabibigyan ng boses iyong mga walang access sa internet? Paano sila makakapag-participate doon di ba?
Isang tinitingnang paraan ay ang paghalo ng online classes at pisikal na diskusyon sa loob ng isang silid-aralan. Ngunit habang ang banta ng coronavirus ay malaki pa, makatitiyak na malaki ang papel ng internet sa unang buwan ng panibagong school year.
Ayon naman kay Gavilan, dapat alalahanin ng gobyerno ang iba’t ibang pinanggagalingang estado sa buhay ng mga estudyante:
Dito talaga makikita iyong inequality sa mga bata kasi parang… kahit na sabihin na lahat ay same lessons din per grade level, iyong access nila sa resources hindi pare-pareho. May mga bata na available agad ang computer, habang may mga batang aalalahanin pa ng parents kung saan kukuha ng pera para magka-internet o di kaya mag-renta ng computer para sa online classes.
Handa na ba ang mga eskwelahan? Ano ang dapat alalahanin ng mga ahensya ng gobyerno? Pakinggan ang podcast.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Photo by Angie de Silva/Rappler
Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories sa page na ito.
Pakinggan ang latest episodes on the novel coronavirus outbreak:
- Bakit maraming insidente ng pang-aabuso sa ilalim ng lockdown?
- Epektibo ba ang crisis messaging ni Pangulong Duterte?
- Bakit mahal magpagamot ng COVID-19 sa ospital?
- Bakit kailangang palayain ang mga low-risk, may sakit, elderly prisoners?
- May sapat ba na pera ba ang Duterte gov’t para sa coronavirus response?
- Coronavirus: Ang delayed response ni President Rodrigo Duterte
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.