![[PODCAST] Sino ang terorista sa ilalim ng anti-terror law?](https://www.rappler.com/tachyon/2020/10/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunes, Spotify, Soundcloud, and Anchor.
Inilabas ng Department of Justice nitong nakaraang linggo ang implementing rules and regulations (IRR) ng anti-terror law, ang batas na kinatatakutang magpapalala sa sitwasyon ng mga aktibista o sinumang magsasalita laban sa gobyerno.
Ayon sa IRR, maaaring i-tag ng Anti-Terror Council (ATC) ang isang tao bilang terorista, at ilathala ang kanyang pangalan sa diyaryo o government websites batay sa “reasonable ground of suspicion.”
Sa episode na ito, hihimayin nina Rappler justice reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan ang IRR ng anti-terror law, at kung ano ang mga nakababahalang bahagi nito.
Paano masisigurado ng ATC na walang mapapahamak kapag kanilang isinapubliko ang mga pangalan ng inakusahan nilang terorista? Ayon kay Buan:
It’s not a loss on them, but when you ask them about that, Justice Undersecretary Adrian Sugay told me na we’ve learned our lesson. Sabi niya, he would like to think that the council will be more prudent and deliberative and will be more careful moving forward. Pino-point out ko pa rin na what’s gonna change kasi… it’s not a secret that the military is out to red-tag. General [Antonio] Parlade is on Twitter red-tagging a lot of people. Sabi na lang sa akin [ni Undersecretary Sugay], the council is made up of a lot of Cabinet secretaries and they’re gonna act as a collegial body, so hindi naman siya desisyon lang ng isang tao o ng isang sektor. Sabi niya, the DOJ will be there, to quote him, to be in the middle of all of it.
Paano malilinis ng isang tao ang kanyang pangalan kung siya ay mapabilang sa listahan ng mga terorista? Ang IRR ay nagtalaga ng proseso ng delisting, ngunit walang binabanggit na liability ang ATC:
In-acknowledge ni Undersecretary Sugay na kapag the designation is improvidently done, the council is aware that this is gonna open the Cabinet secretaries to a lot of legal problems. Madedemanda sila. It’s not really clear and not provided for in the IRR kung ano iyong liability nila but creativity na lang iyan ng mga na-de-delist. That’s not really a comforting thought na maghahabol ka after kasi ikaw na ang na-hassle eh. Tapos ikaw pa magdedemanda.
Ano ang dapat na malaman tungkol sa IRR ng anti-terror law? Pakinggan ang podcast episode.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes :
- Para ba sa mga biktima ng drug war ang Department of Justice o para kay Duterte?
- Ang bagong school year sa gitna ng pandemya sa Pilipinas
- Ang mainit na labanan sa Kamara nina Velasco at Cayetano
- Anong mangyayari sa Pilipinas kapag inalis ang EU trade perks?
- May anomalya ba sa malaking kontrata ng PhilHealth at Philippine Red Cross?
- Ang walang katapusang ‘special treatment’ para kay Pemberton
- Ano ang dapat gawin ng gobyerno habang wala pang coronavirus vaccine?
- Ang walang tigil na culture of impunity sa ilalim ni Duterte
- Ang PhilHealth sa gitna ng panibagong kontrobersiya
- Ang laban ng medical frontliners ay laban ng bawat Filipino
- Ano ang nangyayari sa loob ng Bilibid?
- Bakit importante ang transparency sa drug war ni Duterte?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.