![[PODCAST] Ano ang nangyayari sa loob ng Bilibid?](https://www.rappler.com/tachyon/2020/07/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic.jpg)
Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify
Unti-unting lumalabas nitong mga nakaraang araw ang totoong sitwasyon sa New Bilibid Prison makalipas ang maraming buwang pag-iwas ng lideratura ng Bureau of Corrections (BuCor).
Mataas na bilang ng mga namatay ang naiulat sa loob ng Bilibid, kasama na ang ilang high profile inmates, sa gitna ng pandemya. Noong Marso, inulat ng Rappler na marami sa mga namatay ay hindi man lang na-test para sa coronavirus.
Sa episode na ito, pag-uusapan nina Rappler justice reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan ang sitwasyon sa loob ng Bilibid at ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno ukol dito.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, matagal na raw nilang gustong kalkalin ang mga nangyayari sa ilalim ng BuCor.
Ano ang magiging problema kung patuloy na mag-operate ang BuCor sa ganitong paraan? Ayon kay Buan:
Ang pinaka-casualty naman ng ganitong bureaucratic problem is transparency. Transparency not only for the public who demand this kind of information, but also transparency for the families of convicts. If BuCor is allowed to continue to assert na, “eto ang style namin eh,” tapos hindi sila mamando ng DOJ, then anong change ang ine-expect natin? …If this bureaucratic problem and back-and-forth dynamic between the two of them continue, transparency will really take a hit and you know, Bilibid is walled. On its very existence, mahirap na talaga siyang kuhanan ng information. Tapos may another layer ng non-tranparency so, paano na? Paano natin malalaman ano nangyayari sa loob? We should care because sabi ni Nelson Mandela, the country is judged not by how it treats its highest citizens but by how it treats its lowest ones. So how can we assess our country if we don’t know what’s happening inside prisons?
Saan nagmula ang isyu na ito? Ano pa ang problemang dapat bantayan pagdating sa kontrobersiya sa Bilibid? Pakinggan ang podcast. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories sa page na ito.
Pakinggan ang iba pang episodes :
- Bakit importante ang transparency sa drug war ni Duterte?
- Ang pagharang ng Kamara sa ABS-CBN franchise
- Ang Department of Health sa gitna ng pandemya
- Ang hirap at gutom na dinaranas ng mga jeepney driver
- Cebu City: Ang bagong coronavirus hot spot
- Delikado ang epekto sa demokrasya ng Maria Ressa verdict
- Ang kahirapang dinaranas ng mga OFW sa pandemya
- Mapanganib ang anti-terror bill para sa lahat ng Filipino
- Pagdurusa ng manggagawang Pilipino sa gitna ng pandemya
- Ang mga problemang dulot ng warrantless arrests
- Mga problemang pasan ng mga estudyante sa panahon ng pandemya
- Bakit maraming insidente ng pang-aabuso sa ilalim ng lockdown?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.