[PODCAST] Ang panibagong panggugulo ng China sa West Philippine Sea

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple Podcasts, and Anchor.

Nanggugulo na naman ang China sa West Philippine Sea.

Patuloy na namamataan malapit sa Julian Felipe (Whitsun) Reef ang lagpas 200 Chinese vessels na sinasabing hawak ng Chinese militia.

Sa podcast episode na ito, tatalakayin nina Rappler reporters Sofia Tomacruz at Jairo Bolledo at researcher-writer Jodesz Gavilan kung ano ang implikasyon ng panibagong insidente na ito sa kapakanan ng mga Pilipino.

Ayon kay Tomacruz, determinado ang China na mapalawak ang kanilang sakop sa West Philippine Sea:

It just shows that China really wants to ensure de facto control of the waters in the West Philippine Sea, specifically sa Union Banks kasi doon ang Julian Felipe Reef and other maritime features na they are swarming now. The same way they did that sa Scarborough Shoal, sa Ayungin, sa Pag-asa, and other country’s exclusive economic zones. I think perhaps that’s what prompted the National Task Force to publicly call them out about it kasi sobra na. Kung iyong Scarborough Shoal, lahat na lang ng maritime features ay may Chinese vessels present nearby – those things should’ve been the tipping point before – baka itong current issue maging tipping point.

Ano ang worst case scenario? Ayon kay Bolledo:

Para sa akin, ang worst case scenario, katulad ng ibang nangyari sa territories natin na kinamkam ng China, ay Chinese occupation. Pero sabi nga ng Singapore-based naval expert Collin Koh Swee Leane, ang nakakatakot dito ay parang hindi na takot ang China na maisiwalat sila sa buong mundo. Kasi naging mas aggressive sila this time. Lumalakas ang culture of impunity sa China. Hindi sila natatakot even with the existing sanctions na p'wedeng ipataw sa kanila ng international community.

Paano dapat rumesponde ang gobyerno? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: