SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
![[PODCAST] Beyond the Stories: Ang papel ng COA laban sa korupsiyon](https://www.rappler.com/tachyon/2021/08/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic-date.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on Spotify, Apple Podcasts, and Anchor.
Laging nasa balita ang Commission on Audit (COA) nitong nakaraang mga linggo dahil sa mga nadiskubre nitong anomalya o hindi tamang paggamit ng pondo ng ilang ahensiya ng gobyerno.
Nagtamo ng batikos mula kay Presidente Rodrigo Duterte mismo ang mga auditor na gumaganap ng kanilang tungkulin, pero inulan naman sila ng suporta ng mga mamamayan na nakakaunawa ng kahalagahan ng ginagawa ng COA para malabanan ang korupsiyon.
Sa Miyerkoles, Agosto 25, pag-uusapan nina Rappler reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan kung paano isinasagawa ng COA ang audit taon-taon, at ano ang silbi ng pagsusuring ito sa paggasta ng pera ng mamamayan.
Sinusundan ni Buan ang COA at ang Office of the Ombudsman.
Bakit nga ba kailangan bantayan ang isyung ito? Ayon kay Buan:
Because it’s a lot of money. Again, ibabalik ko doon na sinusupend ang public bidding. Public bidding is supposed to be our main protector against corruption kasi rigid ang public bidding. As in sobrang daming rules sa public bidding. And we understand that in the context of the pandemic, you really have to expedite purchases kaya sa Bayanihan Law, binigyan ng greenlight ang mga agency na huwag na mag-public bidding, mag-negotiated procurement ka na. And to some extent, naniniwala tayo na kailangan iyon. Kasi urgent talaga, matter of life and death. Every second, every minute, may namamatay. We get it na kailangan i-waive ang public bidding. But also, kapag waived ang public bidding, tumataas ang exposure to corruption and daming pera nito. Not only do we have to watch where our money goes, we are operating in a context that people may potentially die due to misuse of money. So it’s no longer just this very abstract concept of funds or protecting ang kaban ng bayan. Malapit sa sikmura ng tao na kapag na-misuse na pera, it’s equivalent to a ventilator that was not available to this person. And the auditors said this sa [annual audit report] nila, na it could’ve saved so many lives if these opportunities were not missed by the Department of Health.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay lingguhang serye ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
![[PODCAST] Beyond the Stories: Ang papel ng COA laban sa korupsiyon](https://img.youtube.com/vi/2Sn-wHwEPtI/sddefault.jpg)
Panoorin at pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- Leni Robredo at ang oposisyon sa halalan 2022
- Ayuda at bakuna sa ilalim ng ECQ
- Propaganda sa social media tungo sa 2022 elections
- Ang banta ng mapanganib na Delta variant
- Gulo sa PDP-Laban
- Bakit may pondo na hindi nagastos laban sa pandemya?
- Balik-tanaw sa 5 taon ni Pangulong Duterte
- Ang pagsilip ng ICC sa ‘crimes against humanity’ ni Duterte
- May maaasahan pa bang hustisya sa drug war ni Duterte?
- Paano magiging epektibo ang flexible learning sa kolehiyo?
- Sino ang terorista sa ilalim ng anti-terror law?
- Bakit importante ang herd immunity laban sa COVID-19?
- Halalan 2022 sa gitna ng pandemya
- Mga problema ng manggagawa hatid ng pandemya
- Lahat na lang ay sinasabing komunista sa ilalim ni Duterte
- Ano ang epekto ng 2 linggong ECQ sa ‘NCR Plus’?
- Ang panibagong panggugulo ng China sa West Philippine Sea
- Mga problema sa ayuda ngayong pandemya
- Ang lumalalang coronavirus pandemic sa Pilipinas
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.