COVID-19

[PODCAST] Kailan magkakaroon ng coronavirus vaccine sa Pilipinas?

Rappler
[PODCAST] Kailan magkakaroon ng coronavirus vaccine sa Pilipinas?
Sino-sino ang maaaring unang makatanggap ng coronavirus vaccine?

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunesSpotifySoundcloud, and Anchor.

Puspusan man ang pagsasaliksik ng mga siyentista at medical professional sa iba’t ibang bansa, walang katiyakan kung kailan magkakaroon ng vaccine laban sa coronavirus.

Sa Pilipinas, ilang beses nang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na malapit nang magkaroon ng vaccine – kahit na wala pang kasiguraduhan mula sa mga bansang nagsasagawa ng research. (Basahin ang timeline.)

Sa episode na ito, tatalakayin nina Rappler health reporter Sofia Tomacruz at researcher-writer Jodesz Gavilan ang plano ng Duterte government tungkol sa coronavirus vaccine para sa Pilipinas.

Habang wala pa ang bakuna, paano mapapabagal, kung di man masugpo, ang pagkalat ng novel coronavirus? Paano napabuti ang kalagayan ng ibang bansa sa Southeast Asia? Ayon kay Tomacruz:

It’s really because they’ve been able to cut community transmission. Here, we haven’t been able to do that. The response we’ve seen so far is, of course, reinforce on people to always follow minimum public health standards – wearing your face masks, face shields, and everything. But…it seems like the plan right now is to wait for a vaccine. But a lot of experts have always reiterated…that you should not just wait for a vaccine. There are things that you could do right now…it goes back to being able to test, trace, and treat people effectively. It will really just be a combination of that all the time. It’s not true that we can’t do anything right now but wait. There’s plenty to do, plenty to improve on, and to act on while waiting for a vaccine.

Kailan maaaring ma-rollout ang vaccines sa bansa? May nakalaan bang budget ang pamahalaan para rito? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang iba pang episodes: