[PODCAST] Bakit delikadong wakasan ang 1989 UP-DND accord?

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunesSpotifySoundcloud, and Anchor.

Winakasan ng Department of National Defense (DND) ang isang kasunduan nito sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) na nagbabawal sa pulis at militar na pumasok sa mga kampus ng UP na walang koordinasyon sa pamunuan ng paaralan.

Ang aksyong ito ng gobyerno ay panibagong dagdag sa mahabang listahan ng atake sa demokrasya at dissent sa bansa sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa episode na ito, tatalakayin nina Rappler justice reporter Lian Buan, defense reporter Rambo Talabong, at researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit delikadong wakasan ang 1989 UP-DND accord lalo na't may anti-terror law sa Pilipinas.

Ano ang mensaheng pinararating nito? Ayon kay Buan:

That they would stop at nothing to shut you up. I think that’s the basic message. Kasi hindi sila titigil sa anti-terror law. The anti-terror law is such a feared law because sobrang blanket, sobrang vague ng pananalita, ng wording, ng language ng batas. It threatens almost absolutely anything that you can say against the government. Puwede nilang i-twist at bigyan ng flavor na you will cause terror, you will cause fear. That’s already a very scary thing. But for them to terminate an accord, that takes the safe space, gives the message that wala silang sasantuhin at gagawin nilang lahat kahit na masabi mo pa na maliit na bagay lang ito. Gagawin nila iyon and they will put academic freedom under threat and target students, target young people, just to suit their agenda – which is, nobody in this country should criticize this government.

Para kay Talabong, ipinakita ng gobyernong Duterte kung ano ang kaya nitong gawin sa iba pang mga eskwelahan o unibersidad:

Ang nangyayari dito, effectively sinasampolan ang mga estudyante. Ang ginagamit nila dito ang mga estudyante ng UP. Kung kaya nilang gawin ito sa mga estudyante ng UP, paano ang estudyante ng ibang unibersidad na gustong tumutol sa mga polisiya ng gobyerno, na gustong mag-rally, paano na sila na walang accord na kasinlakas nito? Walang accord na protektahan sila? Kaya nilang gawin ito, kaya nilang mang-aresto, kaya nilang mang-harass. Ito ang mensahe na kanilang nilalabas.

May paraan pa ba para ayusin ito? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: