[PODCAST] Lahat na lang ay sinasabing komunista sa ilalim ni Duterte

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple Podcasts, and Anchor.

May bago na namang isinama sa listahan ng target ng red-tagging sa Pilipinas – ang mga organizer ng community pantries sa gitna ng pandemya.

Ang red-tagging ay ang pagbibintang ng mga pulis, sundalo, at iba pang puwersa ng pamahalaan na komunista o subersibo ang mga indibidwal o organisasyon na itinuturing nilang banta o kalaban ng estado.

Kahit na walang basehan ang paratang na ito ng mga puwersa ng gobyerno, hindi pa rin maiaalis ang takot sa mga mamamayan dahil maraming aktibista na inakusahang komunista ang pinaslang sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa podcast episode na ito, tatalakayin nina Rappler justice reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan kung gaano kadelikado ang red-tagging at kung paano mapoprotektahan ang sarili laban dito.

Ayon kay Buan, napakalaking parte ang red-tagging sa ilalim ni Duterte:

Saan ba nagsimula ang Duterte government? They started with the war on drugs. How did they get to labeling a person [as a drug addict]? Drop box, drug list, a neighbor going to barangay to say someone is a drug addict. It doesn't even go through vetting. It goes to Malacañang. And the President, on the podium, says here are the narcopoliticans, here are the narcogenerals. What happened? People died with a cardboard on their chest, saying adik ako, 'wag tularan. The Duterte government then pivoted into an anti-insurgency campaign.... It's the same thing. While red-tagging is not new – it existed even before Marcos' Martial Law – pero iyong progression nito sa Duterte government, they upped the ante. They used red-tagging against usual suspects, which are the prominent progressive leaders. And then they went to, as ridiculous as it may sound, labeling organizers of community pantries and basically anyone who expresses dissent or opposition.

Paano mapapanagot ang mga mahilig mag-red-tag? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: