[PODCAST] Mapanganib ang anti-terror bill para sa lahat ng Filipino

Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify

Ang terorismo ay isang lehitimong panganib sa kahit anong bansa.

Ngunit ang pagpasa ng isang batas laban sa terorismo na may maraming probisyong tila nagwawalang-bahala sa karapatang pantao ng mga mamamayan ay dapat tutulan, ayon sa maraming grupo at mga indibidwal sa Pilipinas.

Ang anti-terror bill ay ipinasa ng Kongreso nitong ika-3 ng Hunyo. Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay bago ito maging ganap na batas. 

Sa episode na ito, pag-uusapan nina Rappler justice reporter Lian Buan, defense reporter JC Gotinga, and researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit mapanganib ang anti-terror bill, hindi lamang sa mga progresibong grupo, kundi sa lahat ng mamamayan sa Pilipinas.

Ayon kay Buan, isang delikadong probisyon ang pagkaroon ng executive warrant:

Ano ba ang dapat gawin ng gobyerno? Ayon kay Gotinga:

Ano ang maaaring mangyari kapag naisabatas na ang anti-terror bill? Maaari pa ba natin itong labanan? Pakinggan sa podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories sa page na ito.

Pakinggan ang latest episodes on the novel coronavirus outbreak: