![[PODCAST] Para ba sa mga biktima ng drug war ang Department of Justice o para kay Duterte?](https://www.rappler.com/tachyon/2020/10/DOJ_podcast.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunes, Spotify, Soundcloud, and Anchor.
Malaki ang papel ng Department of Justice (DOJ) sa pagharang sa mga nagnanais imbestigahan ang malawak na patayan sa ilalim ng drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas.
Nito lamang mga nakalipas na buwan ay ibinida ng DOJ sa United Nations ang pagbuo nito ng isang review panel kung saan iimbestigahan diumano nila ang libo-libong nasawi sa mga anti-drug operations ng police mula 2016.
Ito raw ay isang malaking palatandaang gumagalaw ang domestic mechanisms o mga proseso para bigyang hustisya ang mga nasawi.
Sa episode na ito, tatalakayin nina Rappler justice reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan kung may maaasahan pa ba sa mga hakbang ng DOJ para bigyang hustisya ang mga namatay, at ano ang dapat bantayan sa mga hakbangin sa mga susunod na buwan.
May maasahan pa nga ba tayo sa DOJ? Ayon kay Buan:
There is always a value in trusting the local system kasi when you lose trust in the domestic system, medyo hopeless na iyan. I think it’s okay for all of us to hope and pin some hope on the DOJ because that is our DOJ. Pero I think there is bigger value in letting external investigators step in because as we saw, the pressure of the ICC drove DOJ to create a panel that will review the drug war deaths. Now, was that sincere? We don’t know. But at least they did it. Nakikita mo na kahit papaano, may resulta iyong pressure ng international community. Maybe the UN Human Rights Council should see na kapag ina-up nila ang pressure, may nangyayari sa local and maybe they should keep that role and for the Philippine human rights community, to keep pressing on the DOJ para singilin sila sa pinangako nila.
Bakit inabot ng apat na taon bago nila naisipang umpisahan ang drug war review panel? Para kanino nga ba ang DOJ?
Pakinggan ang podcast episode.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes :
- Ang bagong school year sa gitna ng pandemya sa Pilipinas
- Ang mainit na labanan sa Kamara nina Velasco at Cayetano
- Anong mangyayari sa Pilipinas kapag inalis ang EU trade perks?
- May anomalya ba sa malaking kontrata ng PhilHealth at Philippine Red Cross?
- Ang walang katapusang ‘special treatment’ para kay Pemberton
- Ano ang dapat gawin ng gobyerno habang wala pang coronavirus vaccine?
- Ang walang tigil na culture of impunity sa ilalim ni Duterte
- Ang PhilHealth sa gitna ng panibagong kontrobersiya
- Ang laban ng medical frontliners ay laban ng bawat Filipino
- Ano ang nangyayari sa loob ng Bilibid?
- Bakit importante ang transparency sa drug war ni Duterte?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.