Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on Spotify, Apple Podcasts, and Anchor.
Sa katapusan ng Setyembre, isa ang Filipinas sa dalawang matitirang bansa sa buong mundo na mananatiling sarado ang elementary at high schools.
Ikalawang taon na ng distance learning dito. Maraming problema ang umusbong sa unang taon ng implementasyon ng distance learning sa Filipinas. (READ: Distance learning, year 2: Parents ask for gadgets for struggling students)
Sa episode na ito, tatalakayin nina Rappler reporter Bonz Magsambol, editor Jee Geronimo, at researcher-writer Jodesz Gavilan kung anu-ano ang posibleng solusyon sa mga problema sa distance learning.
Sinusundan ni Magsambol ang education beat, samantalang dating reporter naman si Geronimo.
Bakit hindi pa rin tayo makabalik sa face-to-face classes? Ayon kay Magsambol:
Gusto ko ipa-reflect sa mga tao, o isipin nila na kailangan natin manghingi ng accountability at manghingi ng urgent action sa gobyerno kasi ang isyu na ito, hindi lang siya about school closure. It reflects dito ang misplaced priorities ng government…. At the same time, it reflects ang failed pandemic response ng gobyerno natin. The mere fact that those countries were able to open their schools, ibig sabihin napababa nila ang kaso nila, low ang transmission rate, and they have systems in place in case magkaroon ng outbreak. Pero dalawang taon na tayo sa pandemic at pangalawang school opening na, hindi pa rin tayo nakakausad.
Maaayos pa ba ang mga nakitang problemang pasan ng mga estudyante at kanilang mga pamilya ngayong panibagong school year? Ayon kay Geronimo, sana ay makinig ang mga lider sa mga tao na araw-araw hinaharap ang mga problema:
Alam na natin na after one year of implementation, it has not been smooth sailing at may mga stakeholders talaga na apektado. So the learners, teachers, and of course, the parents of learners. Hindi naman tayo naghahanap ng perfection, diba? Kasi hindi naman iyon goal natin. Siguro ang kailangan natin itanong at this point, did we leave any student behind? Meron ba tayong naiwan na kahit isang estudyante lang? Meron bang disefranchised na isang student? Kasi kahit isa lang iyon, malaking bagay na. That means that the system already failed that child. Kailangan siguro na going into the second year of distance learning, make sure na natin na ang mga gaps na kailangan natin i-fill in, siguro iyon challenge for education officials and us na may stake din sa anong mangyayari sa mga estudyante.
Panoorin at pakinggan ang diskusyon!
![[PODCAST] Beyond the Stories: Bakit naiwan na ang Filipinas sa pagbalik sa face-to-face classes?](https://img.youtube.com/vi/a9QMxhprWn8/sddefault.jpg)
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Panoorin at pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- Ang malaking pagkukulang ng gobyerno sa health workers
- Ang papel ng COA laban sa korupsiyon
- Leni Robredo at ang oposisyon sa halalan 2022
- Ayuda at bakuna sa ilalim ng ECQ
- Propaganda sa social media tungo sa 2022 elections
- Ang banta ng mapanganib na Delta variant
- Gulo sa PDP-Laban
- Bakit may pondo na hindi nagastos laban sa pandemya?
- Balik-tanaw sa 5 taon ni Pangulong Duterte
- Ang pagsilip ng ICC sa ‘crimes against humanity’ ni Duterte
- May maaasahan pa bang hustisya sa drug war ni Duterte?
- Paano magiging epektibo ang flexible learning sa kolehiyo?
- Sino ang terorista sa ilalim ng anti-terror law?
- Bakit importante ang herd immunity laban sa COVID-19?