[PODCAST] Bakit Department of Justice ang mamumuno sa anti-corruption task force?

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunesSpotifySoundcloud, and Anchor.

Naglunsad ang Department of Justice ng isang anti-corruption task force alinsunod sa layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na puksain ang corruption sa gobyerno bago matapos ang kanyang termino sa 2022.

Ang DOJ ay inatasang mag-imbestiga ng mga alegasyon ng corruption sa buong gobyerno. Ngunit hindi ba ito may overlap sa mandato ng Office of the Ombudsman?

Sa episode na ito, tatalakayin nina Rappler justice reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan ang mga responsibilidad ng bagong task force sa ilalim ng DOJ at kung kailangan ba talaga ito.

Tama ba ang hakbang na ito? Ayon kay Buan:

Dapat i-strengthen ang institution. If you are gonna duplicate the function of the Office of the Ombudsman, then there’s a risk that you weaken [it]. That is also the warning of Joy Aceron of Government Watch na baka ma-weaken ang mga institution. It’s not only the Office of the Ombudsman. There’s also the Commission on Audit na the President has made public statements before, to push auditors down the stairs. Instead of deputizing the NBI who have other jobs to do, why not just strengthen the COA? These are auditors. They are financial experts trained and have the expertise to investigate finances. Bakit hindi na lang sila iyong tulungan mong institution to run after corruption? So that’s my worry. That it could end up weakening these independent constitutional bodies in favor of deputizing a political agency.

Kaya bang panindigan ng DOJ ang laban na ito lalo na at dalawang taon na lang ang natitira sa ilalim ni Duterte? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang iba pang episodes: