SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
![[PODCAST] Beyond the Stories: Bakit wala pa ring pulis na nakakasuhan ang DOJ panel kaugnay ng drug war killings?](https://www.rappler.com/tachyon/2021/10/newsbreak-beyond-the-stories-square-with-topic2.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on Spotify, Apple Podcasts, and Anchor.
Lagpas isang taon na ring nag-iimbestiga ang inter-agency panel na pinangungunahan ng Department of Justice sa war on drugs ni President Rodrigo Duterte, ngunit wala pa ring naisasampang kaso laban sa mga pulis na umano’y pumatay ng mga suspek.
Hindi pa rin tumitigil ang madugong kampanya, at patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga napapatay.
Sa episode na ito, tatalakayin nina Rappler justice reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan kung saan na patungo ang imbestigasyon ng drug war panel.
Para ba talaga ito sa mga biktima, o para maipakita lamang na may ginagawa ang gobyerno tungkol sa isyu?
Ano pa ang mga dapat gawin ng DOJ? Ayon kay Buan:
Number one, open [the probe] to the Commission on Human Rights. Makakatulong kasi ang CHR sa transparency, even expediting of the investigations, kasi CHR knows what to do. Aside from that, they really need to fast-track the investigation. And at the very least if they can’t fast-track, at least be completely honest. Nakakausap na tayo ng relatives, ng mga namatayan, halos they have such a sorrowful resolve na di na masosolve ever ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay kasi wala silang suspect eh, kasi riding-in-tandem… Tinanggap na lang nila na walang mangyayari. The least they can offer the grieving wife or the grieving child, is honesty. Hindi iyong papaasahin ka na may ginagawa kami, but really there’s nothing being done. If Filipino people or families of these victims cannot know the truth because they don’t have documentation, at least be honest to them. That’s what a good government does.
![[PODCAST] Beyond the Stories: Bakit wala pa ring pulis na nakakasuhan ang DOJ panel kaugnay ng drug war killings?](https://img.youtube.com/vi/ahThHIAhx6w/sddefault.jpg)
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay serye ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Filipinas. – Rappler.com
Panoorin at pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- Banggaan ng Senado at Kamara sa imbestigasyon sa Pharmally
- Ano ang maaasahan sa imbestigasyon ng ICC sa drug war?
- Bakit naiwan na ang Filipinas sa pagbalik sa face-to-face classes?
- Ang malaking pagkukulang ng gobyerno sa health workers
- Ang papel ng COA laban sa korupsiyon
- Leni Robredo at ang oposisyon sa halalan 2022
- Ayuda at bakuna sa ilalim ng ECQ
- Propaganda sa social media tungo sa 2022 elections
- Ang banta ng mapanganib na Delta variant
- Gulo sa PDP-Laban
- Bakit may pondo na hindi nagastos laban sa pandemya?
- Balik-tanaw sa 5 taon ni Pangulong Duterte
- Ang pagsilip ng ICC sa ‘crimes against humanity’ ni Duterte
- May maaasahan pa bang hustisya sa drug war ni Duterte?
- Paano magiging epektibo ang flexible learning sa kolehiyo?
- Sino ang terorista sa ilalim ng anti-terror law?
- Bakit importante ang herd immunity laban sa COVID-19?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.