[PODCAST] Coronavirus: Epektibo ba ang crisis messaging ni Pangulong Duterte?

Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify

Tila normal na sa mga Pilipino ang magpuyat para mapanood at marinig si Presidente Rodrigo Duterte patungkol sa coronavirus pandemic.

Hindi na bago ang maghintay nang ilang oras para pakinggan kung ano ang kanyang sasabihin sa bayan. Ngunit maraming beses na imbes na mahalagang impormasyon ang lumalabas sa bibig ng Presidente, mga patutsada sa kritiko, mga kritisismo, at opinyon sa mga nangyayari ang naririnig. 

Ito ay katulad ng kanyang mga talumpati bago magka-krisis sa Pilipinas. Pero epektibo pa rin ba ito ngayon? (READ: Coronavirus response: Online outrage drowns out Duterte propaganda machine

Sa episode na ito, pag-uusapan nina Malacañang reporters Pia Ranada at Sofia Tomacruz, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang uri ng mga mensaheng inilalabas ni Duterte sa mga nakaraang linggo, ano ang mga isinagawa ng administrasyon, at kung ang mga ito ay akma pa rin sa sitwasyon ngayon.

Kailangan ng mga mamamayan ng malinaw na impormasyon, ayon kay Tomacruz: 

Ayon naman kay Ranada, ang mga taong nakapaligid kay Presidente Rodrigo Duterte ay gumagawa ng paraan para mas maging malinaw ang mga sinasabi niya:

Ano ang mga pagbabagong nakita sa messaging ng Presidente nitong mga nakaraang linggo? Pakinggan ang podcast episode na ito.  

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories sa page na ito.

Pakinggan ang latest episodes on the novel coronavirus outbreak: