[PODCAST] Ano ang epekto ng 2 linggong ECQ sa ‘NCR Plus’?

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple Podcasts, and Anchor.

Dalawang linggong isinailalim ang Metro Manila at mga kalapit nitong probinsya sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus infection.

Sa podcast episode na ito, tatalakayin nina Rappler reporters Bonz Magsambol at Dwight de Leon at researcher-writer Jodesz Gavilan kung paano isinagawa ang ECQ at kung ano ang nakikitang epekto nito sa sitwasyon sa "NCR Plus."

Malaki pa rin ang pagkukulang sa mga hakbang na tutugon sa tunay na problema, tulad ng mass testing at contact tracing. Ayon kay Magsambol:

Inilalagay nila ang mga tao on lockdown, pero wala naman ibang intervention tayo na nakikita. For example, ang mga expert sinasabi na if ilalagay sa lockdown ang isang area, kailangan patataasin mo ang testing capacity nila. Ang testing capacity natin, kung mapapansin mo ay 20,000 to 30,000, katulad ito noong July at August last year pa. And then may target sila na 50,000 na noong May 2020 pa. So mag-isang taon na. Mabibilang mo sa kamay kung ilang days lang tayo nag-hit ng 50,000. Iyon ang pagkukulang. 

Ayon naman kay De Leon, ang mga nakalilitong pahayag ng mga opisyales mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ay hindi rin nakatulong:

The problem sometimes with the DILG is that some of their officials make contradicting statements that make it appear that, according to their critics, that they are not on the same page. Di ba ang joke nga parang wala silang Viber group? It will help if the DILG makes it appear that its officials are on the same page. When that happens, it will be easier for the public to understand kung ano ba talaga ang protocols in place.

Ano ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng gobyerno? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: