[PODCAST] Ang mga maling impormasyon sa DepEd distance learning materials

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunesSpotifySoundcloud, and Anchor.

Maraming problemang hinaharap ang distance learning sa Pilipinas sa gitna ng pandemya. Nandiyan ang kakulangan sa access at dagdag pasanin sa mga estudyante, magulang, at mga guro.

Nitong mga nakaraang buwan, simula noong nagbukas ang panibagong school year, isa na namang problema ang umusbong – ang mga maling impormasyon sa mga distance learning materials ng Department of Education.

Sa episode na ito, tatalakayin nina Rappler education reporter Bonz Magsambol at researcher-writer Jodesz Gavilan ang quality assurance na ginawa sa learning materials. Bakit nga ba may mga nakalusot na pagkakamali?

Ang mga maling impormasyon sa learning modules ay isa sa mga problema sa educational system sa Pilipinas, ayon kay Magsambol:

Napansin ko na it’s a telling sign na sobrang problematic ng education system natin dito sa bansa. Ang dami pang kailangan ayusin. Itong mga concepts na ito, pinag-aaralan ng mga bata, milyon ang makakatanggap, tapos mali? Itong pandemic, na-highlight niya yung gaps sa education system natin. Nakakatakot siya kasi imagine mo, wala pang two months iyong school year, tapos ganito na ang pagkakamali na lumalabas. So what more pa if hindi tayo naka-distance learning at hindi natin nakikita iyong learning modules na iyon? Ibig sabihin ba dumadaan na lang iyon at hindi naco-correct? So iyong mga bata nabibigyan ng maling information?

Paano makasisigurong aabot sa lahat ng estudyante ang corrections? Pakinggan ang podcast episode.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang iba pang episodes: