![[PODCAST] Anong mangyayari sa Pilipinas kapag inalis ang EU trade perks?](https://www.rappler.com/tachyon/2020/09/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunes and Spotify
Ang walang katapusang patayan at abuso sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nakakalagpas sa atensyon ng mga taga-ibang bansa.
Nito lamang ika-17 ng Setyembre ay nirekomenda ng European Parliament na alisin ang Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) status mula sa Pilipinas dahil sa malalang human rights situation sa ilalim ni Duterte.
Sa episode na ito, pag-uusapan nina Rappler business reporter Ralf Rivas at researcher-writer Jodesz Gavilan kung ano ba ang kabutihang dulot ng GSP+ status sa Pilipinas at kung magiging malaking problema kung ito ay tuluyang aalisin sa bansa ng European Union.
Bakit dapat seryosohin ng gobyerno ito? Ayon kay Rivas:
The government should really take this seriously. The Philippines has not reached its export potential. I mean, we’re not even a large exporting country, di ba? And at the same time, we have so much talent. We’re a very rich country in terms of resources, talent. Tapos hindi natin mashe-share or mate-trade to other countries. The Duterte administration or any administration should take these threats very seriously kasi the impact of this pandemic, we will feel in the next half decade or even the next decade…
Ano ba ang dalang advantage ng pagkakaroon ng GSP+ status? Sino ang sektor na maaapektuhan kung ito ay tuluyang bawiin?
Pakinggan ang podcast episode.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes :
- Ang walang katapusang ‘special treatment’ para kay Pemberton
- Ano ang dapat gawin ng gobyerno habang wala pang coronavirus vaccine?
- Ang walang tigil na culture of impunity sa ilalim ni Duterte
- Ang PhilHealth sa gitna ng panibagong kontrobersiya
- Ang laban ng medical frontliners ay laban ng bawat Filipino
- Ano ang nangyayari sa loob ng Bilibid?
- Bakit importante ang transparency sa drug war ni Duterte?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.