[PODCAST] Beyond the Stories: Paano magiging epektibo ang flexible learning sa kolehiyo?

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple Podcasts, and Anchor.

Lagpas isang taon na ang pandemya, at sandali na lang ay magsisimula na naman ang panibagong school year. Pero tuloy pa rin ang flexible learning setup sa mga kolehiyo.

Sa flexible learning sa kolehiyo, pinaghahalo ng eskuwelahan ang iba’t ibang paraan ng pagtuturo – may mga klase na isinasagawa online, mga leksiyon na inia-upload na lang ng propesor sa internet, o gumagamit ng nakaimprentang modules.

Sa podcast episode na ito, kukumustahin nina Rappler education reporter Bonz Magsambol, editor and dating education beat reporter Jee Geronimo, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang implementasyon ng flexible learning nitong nakaraang taon.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), dumating man ang panahon na maaari nang bumalik sa face-to-face classes, maaaring ipagpatuloy na ng mga kolehiyo at unibersidad ang flexible learning system na naging epektibo sa kanila.

Ipinapaalala ni Magsambol na hindi lang sa grado ng mga estudyante makikita ang epekto ng hindi maayos na pagpapatupad ng flexible learning system:

Hindi lang academic performance ang magsa-suffer but mental health rin ng mga estudyante. Dahil na rin ito sa burnout nila sa mga academic requirements na kailangan nilang gawin.

Kung magiging permanenteng parte na ito ng sistema, ano ang mga pagkukulang na dapat punan pa ng mga eskwelahan para sa kanilang mga estudyante at guro?

Ayon kay Geronimo, importante na parehong patatagin ang paraan kung paano isinasagawa ang flexible learning system mula pa lamang sa basic education hanggang kolehiyo:

Kaya kailangan whole-of-education approach talaga. Hindi magkakanya-kanya ang basic and higher education kasi pathways sila. Dapat magkakadugtong, pati na rin ang technical o vocational. Kung ano ang epekto sa basic education, makikita sa higher education. So dapat konektado pa rin kung ano ang adjustments na mangyayari during flexible learning. Hindi dapat isolated...for the good of the learners.

Handa ba ang mga kolehiyo at unibersidad sa patuloy na flexible learning? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: