Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on Spotify, Apple Podcasts, and Anchor.
Itinataya ng health workers sa Filipinas ang kanilang buhay habang patuloy ang banta ng coronavirus.
Sa kabila ng kanilang sakripisyo, kulang pa rin ang ibinibigay sa kanila ng gobyerno. (READ: Overworked, underpaid health workers are walking away as Delta ravages PH)
Sa episode na ito, pag-uusapan nina Rappler reporters Bonz Magsambol at Aika Rey, at researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit nagkaganito ang sitwasyon ng mga health workers sa bansa.
Sinusundan ni Magsambol ang Department of Health, habang pondo at paggasta naman ang tinututukan ni Rey.
Ano ang maaaring mangyari if patuloy na maging ganito ang sitwasyon? Ayon kay Magsambol:
Kung magpapatuloy itong sistema na hindi natin pahahalagahan o bibigyan ng priority ang health care workers natin, nakakatakot na mag-collapse na talaga totally ang health care system natin at a time na ang kaso ng COVID-19 ay patuloy na tumataas. So sino ang magti-treat ng patients natin kung patuloy na magreresign ang mga nurses natin? Nakakatakot na sana hindi na mangyari.
Ano ang pwedeng gawin ng publiko? Ayon kay Rey:
Matagal ko na nasabi sa previous episodes na dapat ang public tignan talaga at scrutinize kung ano ang budget para sa sektor na kabilang sila… Kailangan nilang i-push ang Kongreso, ang mga representatives nila, na i-increase ang mga budget para sa mga mahihirap, health workers. Kailangan talaga mag-pressure kasi hindi lang naman media, hindi lang civil society organizations… Kailangan talaga ng public push para mapakinggan talaga ang pangangailangan natin. Kasi kung minsan, maaring mag-turn na lang talaga ng blind eye iyong mga lawmakers natin kung hindi nila maramdaman.
Ano-ano ba ang benepisyong dapat makuha ng health workers? Panoorin at pakinggan ang talakayan.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay lingguhang serye ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
![[PODCAST] Beyond the Stories: Ang malaking pagkukulang ng gobyerno sa health workers](https://img.youtube.com/vi/fKzRd7OV0cM/sddefault.jpg)
Panoorin at pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- Ang papel ng COA laban sa korupsiyon
- Leni Robredo at ang oposisyon sa halalan 2022
- Ayuda at bakuna sa ilalim ng ECQ
- Propaganda sa social media tungo sa 2022 elections
- Ang banta ng mapanganib na Delta variant
- Gulo sa PDP-Laban
- Bakit may pondo na hindi nagastos laban sa pandemya?
- Balik-tanaw sa 5 taon ni Pangulong Duterte
- Ang pagsilip ng ICC sa ‘crimes against humanity’ ni Duterte
- May maaasahan pa bang hustisya sa drug war ni Duterte?
- Paano magiging epektibo ang flexible learning sa kolehiyo?
- Sino ang terorista sa ilalim ng anti-terror law?
- Bakit importante ang herd immunity laban sa COVID-19?
- Halalan 2022 sa gitna ng pandemya
- Mga problema ng manggagawa hatid ng pandemya
- Lahat na lang ay sinasabing komunista sa ilalim ni Duterte
- Ano ang epekto ng 2 linggong ECQ sa ‘NCR Plus’?
- Ang panibagong panggugulo ng China sa West Philippine Sea
- Mga problema sa ayuda ngayong pandemya
- Ang lumalalang coronavirus pandemic sa Pilipinas