[PODCAST] Beyond the Stories: Ano ang maaasahan sa imbestigasyon ng ICC sa drug war?

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple Podcasts, and Anchor.

Ikinasa na ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon sa malawakang pagpatay sa ilalim ng kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Ayon sa ICC pre-trial chamber, naging patakaran ng estado sa pamumuno ni Duterte ang pagpatay. Madalas na nag-uugat ito sa pag-uudyok mismo ng Pangulo. (READ: Killing as state policy: 10 things the ICC says about Duterte’s drug war)

Sa episode na ito, tatalakayin nina Rappler justice reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit importante ang imbestigasyon na ito ng ICC.

Sinasabi ng gobyerno na maayos ang justice system sa Pilipinas, ngunit ayon kay Buan:

If they really wanted to show the robust justice system, they have all the opportunities to do so. In fact, meron na silang drug war review. Aside from stopping the drug war which will satisfy some critics of the drug war, the simple would be, nasaan ang complaint that arises from the drug war review? Siguro simple lang naman iyon diba? Tipong ito na, complete na, kakasuhan na namin si ganito, si ganyan. Wala pa nga iyon. And we don’t even know the full extent of the report. We just know there are two reports. We just know that the first report says there were lapses in protocols in how many cases, eh ilan ba talaga pinag-aralan niyo? Hindi nga sinasabi, parang piecing the puzzles itong ginagawa natin for a whole year. They want to show that the justice system is robust, they have a perfect opportunity to do so, which is to show concrete results of the review. Pero sabi nga ni Justice Secretary Menardo Guevarra kanina, konting pasensya lang po.

Ano-ano pa ang ibang sinabi ng ICC tungkol sa war on drugs? Ano-ano ang mga posibleng susunod na hakbang ng korte? 

Pakinggan at panoorin ang episode.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Panoorin at pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: