SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
![[PODCAST] Ang walang katapusang ‘special treatment’ para kay Pemberton](https://www.rappler.com/tachyon/2020/09/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunes and Spotify
Nagulat ang Pilipinas nitong Lunes, ika-7 ng Setyembre, nang bigla na lamang bigyan ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte si United States Marine Joseph Scott Pemberton.
Siya ay hinatulang guilty noong 2015 sa salang pagpatay kay Jennifer Laude, isang transwoman. Sampung taong pagkakulong ang parusa sa kanya. (READ: Remembering ‘Ganda’: The tragedy of Jennifer Laude)
Ngunit dahil sa absolute pardon, makalalaya na siya nang maaga. Sinabi pa ni Duterte na hindi raw trinato nang patas si Pemberton sa Pilipinas.
Sa episode na ito, pag-uusapan nina justice reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit si Pemberton, isang dayuhan, ay tila nakalamang sa maraming Pilipinong nanataling nasa kulungan.
Ano ang ibig sabihin nito? Ayon kay Buan:
What this incident showed is his disrespect and disregard for his own state lawyers. Kasi na-undermine ang trinabaho ng Office of the Solicitor General and the Department of Justice. Imagine, days before, the DOJ asserted its ground and said no, you can’t release Pemberton because we have to settle this in the court. Tapos biglang [the President will say] ay sorry, you mistreated Pemberton and I’m gonna do what I want… It’s not only that this President has no regard for what this would mean to Filipinos, he also has no regard for what this would mean for his state lawyers who are supposed to be his foot soldiers. [They] were always at the forefront of defending his moves by coming up with legal justifications. Lawyers of the government should think about that.
May maaari pa bang gawin laban sa pardon? Pakinggan ang podcast.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes :
- Ano ang dapat gawin ng gobyerno habang wala pang coronavirus vaccine?
- Ang walang tigil na culture of impunity sa ilalim ni Duterte
- Ang PhilHealth sa gitna ng panibagong kontrobersiya
- Bakit ipinilit na magbukas ng klase ngayong Agosto?
- Ang laban ng medical frontliners ay laban ng bawat Filipino
- Ano ang nangyayari sa loob ng Bilibid?
- Bakit importante ang transparency sa drug war ni Duterte?
- Ang pagharang ng Kamara sa ABS-CBN franchise
- Ang Department of Health sa gitna ng pandemya
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.