[PODCAST] Beyond the Stories: May maaasahan pa bang hustisya sa drug war ni Duterte?

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple Podcasts, and Anchor.

Halos isang taon mula nang siyasatin ng Department of Justice ang kampanya laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakita ng panel nito na sa mahigit kalati ng mga inimbestigahang operasyon ay hindi sumunod sa protocol ang mga pulis.

Ang tanong ng marami: Ano na ang nagawa ng DOJ at ng Philippine National Police (PNP) pagkatapos matuklasan ito?

Sa podcast episode na ito, tatalakayin nina Rappler justice reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan ang mga pagkukulang ng DOJ sa muling pagsilip nito sa mga kaso ng drug-related killings, at kung may pag-asa pa bang makamit ang hustisya para sa mga biktima.

Bakit importanteng isapubliko ng PNP ang mga dokumento ng mga kasong ito? Ayon kay Buan:

Ang hirap naman kasing mag-imbestiga na wala kang papel. This is a climate of fear. Ang mga families lang ang mga matatapang talaga na magsalita. But the families were not there [when the killings happened], kaya parang hindi naman sila iyong nakakita ng krimen or, if nandoon man sila sa crime scene, they’re not the only eyewitnesses. Walang witness na willingly, without fear, na magsasalita kasi it’s an entire system [they're going against]. It’s not only Philippine police [leadership] that they will be up against, it’s the police in their locality which for their entire lives has been a presence. Taking that away, kung wala kang witnesses, your best bet talaga ay paper trail and if you don’t have the cooperation of the police leadership, where are you going to get the paper trail?

May pag-asa pa bang magkamit ng hustisya ang mga napatay sa anti-drug operations ng administrasyong Duterte?

Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: