[PODCAST] ‘Nanlaban’: Ang paulit-ulit na salaysay ng mga pulis

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple Podcasts, Soundcloud, and Anchor.

Isang permanenteng parte na ang "nanlaban" sa naratibo ng mga pulis sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mapa-drug war o di kaya'y sa pagtugis sa mga aktibista, ito ang palaging rason kung bakit nagiging madugo ang mga operasyon.

Sa episode na ito, hihimayin nina Rappler reporters Rambo Talabong, Lian Buan, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang "nanlaban" defense ng mga pulis at kung bakit hindi ito dapat tanggapin basta-basta na lamang.

Ayon kay Talabong, malaking problema ang kawalan ng transparency kaya mahirap tingnan kung talaga bang nanlaban ang mga biktima:

The thing that’s difficult here, unlike the first few months of the Duterte administration, right now they’re not open to media tagging along or to people being witnesses in the crime scene to what happened. Talagang konting-konti lang ang pinapakita. Usually, report lang nila ang nakakarating sa atin. Kaya ang mga taong nakaka-witness, iyong mga CCTV footage na lumalabas katulad ng kay Kian [delos Santos], iyon ang malalalaking kaso na nagpapakita na maybe there’s much more to it than what they’re telling us.

Paano nga ba mababago ang sistema laban sa culture of impunity? Ayon kay Buan:

Naniniwala talaga ako na the culture of impunity will be addressed by a stronger justice system. I know sobrang gasgas na gasgas na topic iyan. I’ve lost count of the many ways we’ve said and bemoaned a broken justice system. Pero ganoon talaga eh. It’s not that it’s broken because it’s corrupt or very dirty or very inherently evil. Sometimes, it’s more just walang enough prosecutors, walang enough judges, walang enough PAO lawyers. Ang pangit ng mga korte, walang naniniwala. Ang bagal-bagal ng hearings at ang bagal ng trials. Minsan it’s a logistical flaw na hindi natin alam kung kailan maaayos. For me, a strong solution to this would be a stronger justice system.

Ano ba ang mga nararapat na ikilos sa mga operasyon kapag nanlaban umano ang target? Sino ang may huling salita kung talaga bang nanlaban ang isang indibidwal?

Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: