![[PODCAST] May anomalya ba sa malaking kontrata ng PhilHealth at Philippine Red Cross?](https://www.rappler.com/tachyon/2020/09/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunes and Spotify
Importante ang mass testing sa pagsugpo sa coronavirus pandemic, kaya naman nakipagtulungan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC) para dito.
Ngunit ayon sa isang investigative report ni Rappler reporter Camille Elemia, may mga isyung lumabas mula sa milyones na kontrata sa pagitan ng PhilHealth at PRC.
Sa episode na ito, pag-uusapan nina Elemia at researcher-writer Jodesz Gavilan kung ano ang mga anomalyang ito at kung anong mga batas ang nilabag ng kontrata.
Ayon kay Elemia, ang imbestigasyong ito ay halimbawa ng malalang lebel ng korapsyon sa PhilHealth:
Kasi sobrang embedded na talaga ng corruption in the agency. But for me, this story is another example of the shocking level of corruption and questionable transactions in PhilHealth. It’s not just PhilHealth alone. Other officers, other groups, other outside offices are also part of it. We’ve also heard even before the issue noong connivance ng hospitals and PhilHealth, we’ve already heard of that pero it’s so difficult to prove… Ito, suwerte tayo na merong papel. Pero for the other questionable transactions, wala kasi syempre, kung gagawa ka ng masama, ita-try mo na walang black and white evidence.
Ano ang sagot ng PRC at PhilHealth? Pakinggan ang podcast.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes :
- Ang walang katapusang ‘special treatment’ para kay Pemberton
- Ano ang dapat gawin ng gobyerno habang wala pang coronavirus vaccine?
- Ang walang tigil na culture of impunity sa ilalim ni Duterte
- Ang PhilHealth sa gitna ng panibagong kontrobersiya
- Bakit ipinilit na magbukas ng klase ngayong Agosto?
- Ang laban ng medical frontliners ay laban ng bawat Filipino
- Ano ang nangyayari sa loob ng Bilibid?
- Bakit importante ang transparency sa drug war ni Duterte?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.