SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
![[PODCAST] Mga artista at influencers na nagkakalat ng fake news, propaganda](https://www.rappler.com/tachyon/2021/03/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic-celebrities.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunes, Spotify, Soundcloud, and Anchor.
Hindi lamang paid trolls at state-sponsored bloggers ang nagpapalaganap ng disinformation sa Pilipinas.
Malaking papel din ang ginagampanan ng mga artista at influencers sa pagpapakalat ng fake news at propaganda online, lalo na sa Facebook.
Ayon sa isang imbestigasyon ng Rappler, may mga ilang nagpalaganap ng mga post mula sa mga kaduda-dudang websites. Kumita rin sila rito.
Sa episode na ito, tatalakayin nina Rappler reporter Camille Elemia, who covers media and disinformation, entertainment editor Bea Cupin, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang papel ng mga artista at influencers sa pagkalat ng fake news at propaganda online.
Bakit nga ba magandang isama sa isang disinformation network ang mga artista at influencers? Ayon kay Elemia:
Kapag sinasabi mo na disinformation network, hindi naman nagshe-share automatically agad fake news or misleading. Halo-halo iyan. Usually clickbait articles, sensationalized content, at viral content para dumami ang nasa loob nila. Iyon ang magiging role ng celebrities. They would want to tap into the network of celebrities, the same reasons why products sell when they are endorsed by celebrities, it’s because of the appeal to authority. Kapag shared by celebrities, parang uy, okay ito. For example, isa sa celebrities natin sa Twinmark list ay si Sam Pinto. Ang ibang tao, alam na ang market ni Sam Pinto ay sosyal. Isipin nila, oh si Sam Pinto nag-share nito, so might as well check it out. So lumaki na iyong network dahil na-tap na iyong circle ng mga artista at influencers.
Dahil dito, ayon kay Cupin, dapat mas maging responsable ang mga artista at influencers online:
The year 2020 has been difficult for both big and smaller entertainers, celebrities, and influencers. Ang flow ng income mo super affected. That’s what I’m scared of, that they might fall into temptation come 2021 or 2022. It’s easy money and it’s easy to game the system. But I hope that, because a lot of celebrities are more conscious and are more very self-aware sila of the responsibility that comes with their huge following on social media… Sana that voice is loud enough to persuade others to say no if they are offered these deals, or if they find themselves with the opportunity to get into these deals.
Paano nila ito nagagawa sa entertainment industry sa Pilipinas? Pakinggan ang podcast.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- Ano ang maitutulong ng drug war report ng Department of Justice?
- Paano dapat itinuturo ang Martial Law at EDSA People Power Revolution sa kabataan?
- Bakit mapanganib ang bagong Coast Guard Law ng China?
- Bakit nagmahal ang mga bilihin ngayong pandemya?
- May patutunguhan ba ang muling pagsusulong sa charter change sa ilalim ni Duterte?
- Bakit delikadong wakasan ang 1989 UP-DND accord?
- Ano ang dapat malaman tungkol sa bagong COVID-19 variants?
- Gaano pa katagal maghihintay ang Pilipinas para sa coronavirus vaccine?
- 2020: Ang pandemya at mga isyung hinarap ni Duterte
- Duterte 2020: Pagyurak sa demokrasya at karapatang pantao
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.