[PODCAST] Beyond the Stories: Mga problema ng manggagawa hatid ng pandemya

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple Podcasts, and Anchor.

Lagpas isang taon na ang pandemya sa Pilipinas. Mataas pa rin ang bilang ng mga kaso ng coronavirus infection, pati na rin ang bilang ng mga problemang hatid nito sa iba't ibang sektor sa bansa.

Isa sa marahil ay pinakaapektadong sektor ang mga manggagawa. Marami na ang nawalan ng trabaho dahil sa ilang beses na lockdown dahil sa malalang sitwasyon sa Pilipinas.

Sa podcast na ito, tatalakayin nina Rappler business and economy reporters Ralf Rivas at Aika Rey at researcher-writer Jodesz Gavilan ang mga isyung hinaharap ng mga manggagawang Filipino.

Paano sila tunay na matutulungan ng gobyerno? Ayon kay Rey, maayos na trabaho at ayuda ang dapat ibigay ng gobyerno:

Kung gusto mo mag-create ng mas maraming trabaho, kailangan mag-step in si government. Hindi lang ’yung patingi-tingi na contact tracing na proyekto ng Department of Labor and Employment.... Hindi lang iyon dapat, di ba, kasi ang iniisip naman ng mga tao na nawalan ng trabaho ay ang security of tenure? 

Ayon naman kay Rivas, nakakabahala ang paraan ng pagpresenta ng datos ng gobyerno:

The figures are correct, but how it is presented is really dishonest. That’s dangerous. Kasi kailangan natin ngayon ng hard facts, we need a slap of reality, para for us to feel the gravity of the problem on the ground. It’s really disappointing. They didn’t even say that the 17.7% in April 2020 was the highest ever record na unemployment rate. The economic team said back to pre-pandemic levels ang rate without saying na mas maraming naghahanap ng trabaho ngayon. And glossing over the fact na may mga ga-graduate ulit this year na maghahanap ng trabaho and there are no jobs out there.

Ano ang dapat bigyang priyoridad ng gobyerno? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: