[PODCAST] Beyond the Stories: Balik-tanaw sa 5 taon ni Pangulong Duterte

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple Podcasts, and Anchor.

Isang taon na lamang ang natitira sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, pero wala pa ring tigil ang mga kontrobersiyang tungkol sa kanya at sa kanyang administrasyon.

Sa podcast episode na ito, tatalakayin nina Rappler executive editor Glenda Gloria, Malacañang reporter Pia Ranada, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang mga nakalipas na taon sa ilalim ni Pangulong Duterte at kung ano-ano ang posibleng mangyari sa huling taon ng kanyang termino.

Bakit hindi nagbago ang estilo ng pamamalakad ni Duterte kahit na may pandemya? Ayon kay Ranada:

Because he's convinced that he knows what he is doing. I mean, kasi palagi niyang sinasabi, "I've never lost an election." He always wins all his electoral contest. Para sa kanya, gumagana naman ang kanyang governance style kasi palagi naman siyang nanalo and he's still popular. Kumbaga, parang you can't teach an old dog new tricks. So, he actually thinks that his consistency, the fact that he's stubborn and doesn't change and will stick to his guns, for him, iyon ang kanyang winning strategy. If iiba siya ng personality, or he'll walk back on his promise...he might lose his constituency and he might lose his appeal to his mass base. So, for him, he has to double down on his governance style. For him, [he sees] it's working for him so far, so why does he need to change gears all of a sudden eh it's working for him naman?

Bakit naiiba ang huling taon ni Duterte kung ikukumpara sa ibang presidente post-Martial Law? Ayon kay Gloria:

Una talaga, halos pinatay niya ang opposition. If you look again at previous presidents, under fifth year in office, ang lakas na ng opposition. That's the pattern post-Marcos, except Cory [Aquino]. People then wanted continuity of course because it was a new democracy at that point. Pero after [Fidel] Ramos, Erap [Estrada] – the anti-thesis of Ramos; the artista, as compared to Ramos na napaka-deliberate, a study in contrast – si Erap, pinalitan ni [Gloria] Arroyo, exact opposite. Ibig sabihin, in previous presidencies, there was hunger for change each time. But you don't see that here based on the numbers that we're seeing. Based on the fact that he remains to command political power and actually use it pa rin in the same manner he was able to use it on his first year of presidency, I think that's a marked difference. It's a very weak opposition. There is no alternative to a Duterte, at this point. Dati, meron na, marami nang makikita ka diyan, nakalatag na. Pero ngayon, wala. And, second, iyong na-embed ang climate of fear. It's in our subconscious. Iyon siguro pag-intindi ko sa atin, hindi iyong declared mo na takot ka, pero subsconciously, iyong climate of fear na limang taon, nakapagsara siya ng media, ang drug war it cost thousands of lives. Kung ayaw ka niyang negosyante, p'wede ka niya pahirapan. Hindi natin naranasan ang ganyang extent in previous presidencies after [Ferdinand] Marcos.

Ano ang mga isyung haharapin ng kanyang administrasyon sa mga huling buwan nito? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: