[PODCAST] Ano ang dapat malaman tungkol sa bagong COVID-19 variants?

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunesSpotifySoundcloud, and Anchor.

Ilang bagong variant ng coronavirus ang naitala sa iba't ibang panig ng mundo nitong nakaraang buwan. Kabilang dito ang variant mula sa United Kingdom.

Dahil dito, maraming gobyerno ang nagpatupad ng bagong travel restrictions.

Nitong Enero, naitala na sa Pilipinas ang unang kaso ng UK COVID-19 variant. Habang nito lamang linggo, 12 na kaso ng UK COVID-19 ang nakita sa Bontoc, Mountain Province, ayon sa lokal na pamahalaan.

Sa podcast na ito, pag-uusapan nina Rappler health reporter Bonz Magsambol at researcher-writer Jodesz Gavilan ang mga dapat malaman ng publiko tungkol sa UK COVID-19 variant at kung paano ito naiiba sa orihinal na virus na nagsimula ng pandemya.

Paano dapat harapin ng gobyerno ang mga bagong variant na ito? Ayon kay Magsambol:

Dapat talagang back to basics siya – effective contract tracing, effective testing, and effective isolation. Kasi sa tatlong iyon ang pinaka-basic strategy or response for a country para ma-control ang spread ng virus na ito. Iyon ang nakikita kong missing pa sa atin. Kasi bakit ngayon lang lumalabas ang strategy na kailangan nila mag-repeat ng test? Dapat noon pa lang meron na iyon eh.

Paano ba nagkakaroon ng mga bagong variant? Dapat ba tayong mas matakot? May epekto ba sa vaccine development ang mga ito? Pakinggan ang podcast.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: