SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
![[PODCAST] Bakit nagmahal ang mga bilihin ngayong pandemya?](https://www.rappler.com/tachyon/2021/02/market-newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunes, Spotify, Soundcloud, and Anchor.
Patong-patong na mga problema ang hinaharap ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.
Maliban sa malawakang kawalan ng trabaho sa bansa, nagmahal na rin ang mga presyo ng pagkain at iba pang bagay na pang-araw-araw ng mga pamilya.
Sa episode na ito, pag-uusapan nina Rappler business reporter Ralf Rivas at researcher-writer Jodesz Gavilan kung ano ang mga dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at kung may posibilidad bang bumalik ito sa dati.
Ano ba ang inflation? Ayon kay Rivas:
Think of it as a basket of a typical Filipino na kung ano ang binibili niya weekly or on a monthly basis. Bibili siya ng bigas, bibili siya ng isda, bibili siya ng karne…. Isama mo na rin ang budget ng bahay, rent, kuryente, tubig, transportation. Lahat ng gastusin ng isang Filipino o ng isang pamilya nasa isang basket. Halimbawa, noong January 2020. Ngayong January 2021, the same items, titingnan natin ang presyo ng kada isa tapos ipagkukumpara natin iyong dalawang basket – ang basket ng January 2020 at basket ng January 2021. Kung ano ang increase o decrease, that is inflation – 4.2% ang pagtaas noong January. For the same goods, you need to shell out 4.2% more of your budget.
May magagawa ba ang mga aksiyon ng gobyerno? Ayon kay Rivas, nakatatakot ang posibleng maging epekto ng price ceiling sa baboy at manok:
Ito pang pinaka-crucial na punto, kung nag-price cap ka, ano’ng mangyayari? Siyempre si producer, hindi na magpo-produce kasi alam niya kung gaano kamahal magpalaki ng baboy at ng manok ngayon. Ano’ng mangyayari? Walang mabebenta at magkakaroon ng shortage. Iyan ang nakakatakot naman. Siyempre supply and demand. May shortage, so maliit ang supply. Tapos malaki ang demand, tataas lalo ang presyo. Hindi na naman maco-contain ang inflation. Nakakatakot at nakaka-alarma kung ano ang mangyayari in the coming months because of this price cap.
May kakayahan ba ang gobyernong pigilan ang pagtaas ng mga presyo? Ano pa ang dapat abangan ng bansa sa mga susunod na buwan? Pakinggan ang podcast.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- May patutunguhan ba ang muling pagsusulong sa charter change sa ilalim ni Duterte?
- Bakit delikadong wakasan ang 1989 UP-DND accord?
- Ano ang dapat malaman tungkol sa bagong COVID-19 variants?
- Gaano pa katagal maghihintay ang Pilipinas para sa coronavirus vaccine?
- 2020: Ang pandemya at mga isyung hinarap ni Duterte
- Duterte 2020: Pagyurak sa demokrasya at karapatang pantao
- Paano naiiba ang disaster response ni Robredo kay Duterte?
- Bakit si Debold Sinas ang piniling maging bagong PNP chief?
- Ang mga maling impormasyon sa DepEd distance learning materials
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.