![[PODCAST] Bakit importante ang transparency sa drug war ni Duterte?](https://www.rappler.com/tachyon/2020/07/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic.jpg)
Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify
Hindi napatigil ng pandemya ang kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mula Marso 2020, kung kailan nag-umpisa ang lockdown, marami pa ring insidente ng patayan at ng bilang ng mga namatay sa kamay ng mga pulis at unidentified gunmen. (BASAHIN: Coronavirus doesn’t stop Duterte’s anti-drug campaign)
Sa kabila ng patuloy na operasyon, walang nakukuhang datos ang publiko tungkol sa drug war ni Duterte.
Sa episode na ito, pag-uusapan ni Rappler police reporter Rambo Talabong at researcher-writer Jodesz Gavilan ang kawalan ng transparency sa drug war at kung bakit ito malaking problema pa rin sa Pilipinas.
Ayon kay Talabong, importante na alam ng mga tao ang mga detalye ukol sa drug war:
Napakahalaga ng data because it is a shared understanding, it’s a shared knowledge of how the anti-drug campaign works in the bigger picture. We can have stories on the narratives na may pinatay na tao sa ganito, nanlaban. But data is extremely important to look at the bigger picture. We are not reducing the narrative into just statistics. But we can see in the broader sense if is this actually working? Is the anti-drug campaign effective? Is the promise of the President really working?
Nasaan na ba ang gobyerno sa laban nito sa droga? May malaki pa bang magagawa sa susunod na dalawang taon? Pakinggan ang podcast.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories sa page na ito.
Pakinggan ang iba pang episodes on the novel coronavirus outbreak:
- Ang pagharang ng Kamara sa ABS-CBN franchise
- Ang Department of Health sa gitna ng pandemya
- Ang hirap at gutom na dinaranas ng mga jeepney driver
- Cebu City: Ang bagong coronavirus hot spot
- Delikado ang epekto sa demokrasya ng Maria Ressa verdict
- Ang kahirapang dinaranas ng mga OFW sa pandemya
- Mapanganib ang anti-terror bill para sa lahat ng Filipino
- Pagdurusa ng manggagawang Pilipino sa gitna ng pandemya
- Ang mga problemang dulot ng warrantless arrests
- Mga problemang pasan ng mga estudyante sa panahon ng pandemya
- Bakit maraming insidente ng pang-aabuso sa ilalim ng lockdown?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.