COVID-19

[PODCAST] Beyond the Stories: Ang banta ng mapanganib na Delta variant

Rappler
[PODCAST] Beyond the Stories: Ang banta ng mapanganib na Delta variant
Ano’ng ginagawa ng pamahalaan para pigilan ang mas mabilis na pagkalat ng coronavirus na ito? 

Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on SpotifyApple Podcasts, and Anchor.

Lagpas isang taon na ang pandemya ngunit hindi pa rin nakikita ang katapusan nito, lalo na’t umuusbong pa ang iba’t ibang variant.

Sa Southeast Asia, malaki ang banta ng coronavirus Delta variant, lalo na sa mga bansa na dati naman ay maayos ang pagresponde sa pandemya. (READ: Delta COVID-19 cases in PH: What we know and what we don’t)

Sa podcast episode na ito, tatalakayin nina Rappler multimedia reporters Sofia Tomacruz, Dwight de Leon, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang kasalakuyang sitwasyon sa Pilipinas sa harap ng mapanganib na Delta variant.

Gaano kalakas ang Delta variant, na kasalukuyang nagpapabagsak ng healthcare system at ekonomiya ng mga karatig bansa natin sa Southeast Asia? 

Tinututukan ni Tomacruz ang pandemic response ng national government, samantalang binabantayan naman ni De Leon ang local government units (LGUs).

Must Read

Is Metro Manila prepared for the Delta variant?

Is Metro Manila prepared for the Delta variant?

Para kay De Leon, malaking peligro ang mangyayari kung masyadong magiging kampante ang publiko lalo na sa harap ng Delta variant:

Siguro dapat ang mga LGUs should remind their citizens that the threat of the Delta variant should not be underestimated. Kasi ang daming sabik na lumabas, sabik na mag-reopen ng economy. A year-and-a-half really affects our well-being but people have to realize that if magiging kampante tayo now, mas magiging drastic ang consequences because baka mas lalo pa tayo mapunta sa worst kind of lockdown. Kausap nga natin si Dr Tony Leachon last week about whether Metro Manila is prepared for a lockdown and he said na the problem is, kulang tayo sa sense of urgency and kung maaga natin iprevent o mitigate ang risks of COVID-19 Delta variant, then it would be faster for us to get out of this situation.

Ano ang posibleng worst case scenario? Nakita na raw natin ang epekto ng Delta variant sa ibang bansa, sabi ni Tomacruz, kaya dapat hindi magsayang ng oras ang gobyerno sa pagpapalakas ng pagresponde nito:

I think the worst thing to happen is we waste another round of let’s say… we do heightened restrictions again, that we waste the time that is given, the allowance that is given, to beef up our response and to improve. Because it’s been more than a year and we really, if we waste [the lockdowns], we’re just in a spiral and we’ll just keep going back and forth. The same measures, that we’re not doing anything different. The effect of that is apparent now. Aside from that, one other thing that would be the worst case is that we don’t do anything at all. Because we’ve seen how Delta has really ravaged other countries and it would really be sad and really scary to see that happen here in the Philippines.

Ano’ng ginagawa ng pamahalaan para pigilan ang mas mabilis na pagkalat ng coronavirus na ito? 

Pakinggan ang podcast at panooring ang video:

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. 

– Rappler.com

Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories: