![[PODCAST] Ang mainit na labanan sa Kamara nina Velasco at Cayetano](https://www.rappler.com/tachyon/2020/10/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunes and Spotify
Nanaig pa rin ang impluwensya ni Speaker Alan Peter Cayetano laban kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco kahit na sinuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang term-sharing deal.
Hindi pa malinaw kung ano ang susunod na hakbang ni Velasco, matapos na suportahan ng maraming kongresista ang patuloy na pamumuno ni Cayetano sa Kamara.
Sa episode na ito, pag-uusapan nina Rappler reporter Mara Cepeda at researcher-writer Jodesz Gavilan kung paano umabot sa ganitong gulo ang mga pangyayari, at kung ano ang implikasyon ng kontrobersiya sa kasalukuyang dynamics sa Kamara.
Ayon kay Cepeda, importante kung sino ang uupong House Speaker sa susunod na dalawang taon dahil malapit na ang 2022 national elections:
All roads lead to 2022. It may be two years away but the posturing for the presidential elections has long started. Kapag speaker ka, ang dami mong access… May access ka sa media, may access ka sa budget. Iyon ang realidad sa bansa natin. And also you have access to possible political machinery… Each congressman, each congresswoman, have their networks in their own districts na puwedeng i-tap ng posibleng kandidato kapag tatakbo na siya sa election.
Paano nakakuha ng malaking suporta si Cayetano mula sa Kamara? Pakinggan ang podcast episode.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes :
- Anong mangyayari sa Pilipinas kapag inalis ang EU trade perks?
- May anomalya ba sa malaking kontrata ng PhilHealth at Philippine Red Cross?
- Ang walang katapusang ‘special treatment’ para kay Pemberton
- Ano ang dapat gawin ng gobyerno habang wala pang coronavirus vaccine?
- Ang walang tigil na culture of impunity sa ilalim ni Duterte
- Ang PhilHealth sa gitna ng panibagong kontrobersiya
- Ang laban ng medical frontliners ay laban ng bawat Filipino
- Ano ang nangyayari sa loob ng Bilibid?
- Bakit importante ang transparency sa drug war ni Duterte?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.