COVID-19

PANOORIN: Ang panganib na dala ng Omicron

Rappler.com
PANOORIN: Ang panganib na dala ng Omicron
Ano ang Omicron? Anong bagong panganib ang dala nito? Panoorin ang pinakabagong explainer ng Newsbreak.

MANILA, Philippines – Tulad ng surge noong Setyembre 2021, muli na namang dumagsa ang bilang ng impeksyon sa bansa dahil sa bagong variant ng COVID-19 na Omicron.

Natagpuan ang mga unang kaso ng Omicron sa Botswana at South Africa nitong Nobyembre.

Ayon sa mga eksperto, ang Omicron ang pinakanakakahawang variant ng coronavirus.

Sa Pilipinas, ayon sa Department of Health, dumodoble ang mga kaso tuwing ikalawang araw base sa mga paunang datos. Nitong Sabado, Enero 15, nakapagtala ang Pilipinas ng 39,004 na kaso ng COVID-19. Ito ang pinakamalaking bilang ng kaso mula nang nagsimula ang pandemya.

Ano ang Omicron? Ano ang bagong panganib na dala nito? Panoorin ang pinakabagong explainer ng Newsbreak. – Rappler.com

Reporter: Bonz Magsambol
Producer: Beth Frondoso
Editor: Em Hidalgo
Animation: David Castuciano

Graphics: Raffy de Guzman