COVID-19 vaccines

EXPLAINER: Paano nilalabanan ang vaccine hesitancy sa Pilipinas?

Rappler.com
EXPLAINER: Paano nilalabanan ang vaccine hesitancy sa Pilipinas?
Panoorin ang explainer ng Rappler na naghihimay sa iba’t-ibang impormasyon tungkol sa bakuna: Bakit iba-iba ang efficacy rate? Bakit nakararanas ng side effect ang mga taong nabakunahan? Higit sa lahat, bakit kailangan mo nang mabakunahan?

Habang unti-unti nang bumabalik sa normal na buhay ang ibang mga bansa, kinakaharap pa lamang ng Pilipinas ang hamon na mabakunahan ang milyon-milyong mamamayan.

Target ng gobyerno ni Rodrigo Duterte na bakunahan ang 70 milyong Pilipino sa pagtatapos ng 2021. Pero may mga hadlang: kulang ang suplay at minsan ay nahuhuli ang paghahatid ng mga bakuna.

Sa kabila ng panganib ng COVID-19, may ilang mga Pilipinong ayaw pa ring magpaturok ng bakuna, at ang pagtutol nila ay nakakaapekto sa target ng gobyerno.

Ayon sa mga survey mula sa mga huling buwan ng 2020 hanggang sa mga unang buwan ng 2021, bumaba ang bilang ng mga Pilipinong gustong magpabakuna. Tumataas naman ang bilang ng mga ayaw magpabakuna at hindi pa sigurado.

Ang pangunahing dahilan ng pag-ayaw ng ilang mga Pilipino ay ang takot nila sa mga side effect ng COVID-19 vaccines. Lumabas din sa survey na hindi rin sila sigurado sa bisa ng mga bakuna, kahit na mismong ang Department of Health at World Health Organization ang nagsusulong ng mga ito.

Ano ba ang dapat malaman ng mga Pilipino sa mga COVID-19 vaccine na narito na sa bansa?

Panoorin ang explainer ng Rappler na humihimay sa iba’t-ibang impormasyon tungkol sa mga bakuna: Bakit iba-iba ang efficacy rate? Bakit nakararanas ng side effects ang mga taong nabakunahan? Higit sa lahat, bakit kailangan mo nang mabakunahan? – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!