Fact check - gov't services/laws

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 sabi-sabi tungkol sa mga programa at polisiya ng gobyerno ng Pilipinas

[WATCH] ’Yung Totoo?: 5 sabi-sabi tungkol sa mga programa at polisiya ng gobyerno ng Pilipinas
Makakatanggap ba ng P10,000 na ayuda ang mga naapektuhan ng pandemya? Kailangan na bang iparehistro ang mga bisikleta? ’Yung totoo?

Mahalagang malaman ang mga programa ng gobyerno, kasama ang mga tugon nito sa COVID-19 pandemic.

Kaya lang, may mga umano’y batas o polisiyang kumakalat kaugnay ng mga ito na hindi kapani-paniwala o kaya’y kulang sa konteksto.

Suriin at i-fact-check natin ang ilan sa mga sabi-sabing ito.

Una, may kumalat na sabi-sabi nitong Marso 2021 na mamimigay daw ng P10,000 na ayuda ang gobyerno para sa bawat Filipinong naapektuhan ng pandemya. ’Yung totoo?

Pangalawa, may kumalat na graphic na nagsasabing kailangan na rin daw iparehistro ang mga bisikleta. Ano ’yung totoo?

Pangatlo, may post na nagsabing lahat ng nagparehistro para sa emergency subsidy program gamit ang ReliefAgad app ay makatatanggap lamang ng kanilang pera sa pamamagitan ng GCash. Totoo ba ito?

Pang-apat, mayroong isang post na nagsabing makakatanggap daw ang senior citizens ng P6,000 na social pension mula sa DSWD bawat taon. Ang totoo, kulang ito sa konteksto.

At, panlima, may kumalat ding video na nagsasabing muling bubuksan ang Bataan Nuclear Power Plant. Ano ’yung totoo?

Mga kaibigan, lima lamang ito sa mga nakalilinlang na post tungkol sa mga programa ng gobyerno. May nakita ka bang ibang post tungkol sa mga sabi-sabing katulad nito? Ipadala ang link at screenshot
sa factcheck@rappler.com! – Rappler.com